CHAPTER FIFTY-SIX

Start from the beginning
                                    

Tumayo na siya at pumunta na sa counter, samantalang ako naman nakatingin lang sa kaniya iniisip ko worth it kaya ako para sa kaniya siguro naman oo diba atsaka ayoko rin siya paasahin at the end ako pa masisi, ayoko naman may pagsisihin sa pangalawang pagkakataon sa feeling naman sure naman ako pero kasi hindi pa ako ready mas masaya kasi kapag ready ako kasi at least di ba kapag ready ka ready ka rin sa ending at masaktan.

Oo advance agad ako sa pag iisip ayos na yung ganito at least handa.

Dapat maging aware tayo na kapag nagmahal tayo kakambal na yung sakit, kaya iniisip ko muna kung kaya ko masaktan ulit.

Ewan ko, bahala na nga lang.

Makalipas lang din ang ilang minuto ay nakarating na siya nilagay niya na yung pagkain sa may lamesa at nagsimula na kami kumain habang nagkukwentuhan.

Pabalik na talaga ako ngayon sa room ng makasalubong ko si Taliyah papasok pa lang siguro ang isa 'to o baka may pupuntahan siya.

"Akala ko ba nasa room ka na? Saan ka galing?" Tanong niya sa 'kin.

"Sa canteen ikaw kakatapos mo lang?"

"Oo eh masyadong natagalan,"

"Ah, papasok ka na sa klase mo?"

"Yup, sige na mauna na ako sa'yo maya na lang ulit."

"Sige sige bye,"

Naglakad na siya papunta sa room niya kaya naman naglakad na rin ako papasok sa room ko, buti na lang talaga hindi pa niya tinanong kasama ko at alam ko naman na talagang aasarin niya ako ugali pa naman niya yung gano'n nakakaloka pero ako rin naman malakas mang asar.

Bestfriend nga talaga kami.

Pagkapasok ko sa room ay tumabi na ako kay Paula busy siya kaya hinayahan ko na lang kaya nag-drawing na lang ako para may gawin din naman ako kahit papaano pero dahil sa tinatamad pa ako naisipan ko na lang na magpatugtog ng habang naka-earphone sabay yumuko matutulog na lang ako inaantok din naman ako eh napupuyat ako sa rehearsal pagkatapos sa rehearsal may mga kailangan tapusin na assignment tapos mga project, activities and so on kaya ang tulog ko ay halos tatlong oras lang. Malabo kasi na umabot sa six or eight hours tulog namin kasi sobrang busy, expected na yung puyat since graduating.

Laban lang, worth it naman paghihirap after all.

♡︎♡︎♡︎♡︎

Taliyah Point of view

PAPUNTA na ako ngayon sa court para sa rehearsal namin naloloka ako kasi wala yung dalawa may mga pareho pa munang aasikasuhin kaya mag isa na lang akong pumunta.

Si Aubrey nauna na rin bigla kasing sumakit ang tiyan may nakain siguro siya, nandito na ako ngayon sa court nakita ko rin agad si Camille tapos nakita niya rin naman ako kaya kinawayan ko siya saka nginitian, nilapag ko sa tabi niya yung mga gamit ko tapos ay umupo habang wala pa naman yung iba.

"Kanina ka pa ba rito?" Tanong ko.

"10 minutes pa lang bago ka dumating,"

"Ah, kumain ka na ba?"

"Hindi pa eh, tara muna sa canteen bili tayo habang wala pa yung iba."

"Sige sige,"

Kinuha ko wallet ko tapos cellphone ko gano'n din siya, lumabas na kami at habang papunta sa canteen ay nag usap na muna kami.

"Malapit ka na pala magpaalam sa Campus ate." Sabi niya.

"Kaya nga eh, nakakaiyak pero gano'n talaga kailangan tanggapin eh."

"Mamimiss kita ate, wag ka makakalimot."

"Gaga, oo naman ako pa ba. Hindi uso sa akin ang salitang kalimot." Natatawa kung sabi.

Madali ako makalimutan pero hindi ako nakakalimot.

Once may pinagsamahan tayo hindi kita makakalimutan. Ganyan ka kahalaga sa akin kahit hindi ako mahalaga para sa'yo.

"Syempre naman po kayo lang naman naging kaibigan ko eh, kaya your the first and last po."

"Naks naman na touch ako sa'yo, thank you."

"You're always welcome po,"

Ngumiti na lang ako sa kaniya hindi na ako nagsalita pa kasi nandito na kaming dalawa sa canteen, ilang minuto lang din kami tumambay at agad na naisipan na bumalik baka rin kasi mapagalitan kami ng bongga kaya nagmadali kami sa paglalakad pero habang naglalakad kami hindi namin maiwasan na mag usap ganoon siguro talaga kapag mga pinoy puro kuwento pero okay lang naman natural lang naman yun eh, ilang sandali lang nakarating na kami umupo agad kami at nagsimula na kumain wala pa rin yung dalawa hayaan mo na malalaki na sila kaya na nila sarili nila, kumain na lang kaming dalawa at hinayahan yung mga tao na nakatingin sa amin deadma na lang sa inyo nagugutom kami eh bakit ba.

Makalipas lang din ang ilang minuto ay nakarating na yung magtuturo sa amin kasabay yung iba nandoon din si Jasmine at Bailey na masayang nagtatawanan at nag uusap well wala lang naman sa 'kin ang bagay na 'yon eh.

"Look at them po ate?" Sabi ni Camille habang nakaturo kay Bailey at Jasmine ng mapansin nito na masaya silang nag uusap.

"What about them?" Mahinahon kung sabi.

"Okay lang po ba sa inyo na close si kuya Bailey sa iba. I mean hindi po nakakaselos?"

"Wala naman nakakaselos be, atsaka bestfriend ko naman si Jasmine kilala ko yan at alam ko naman walang talo talo." Sabi ko rito kaya natahimik siya.

"Isa pa, hindi naman kami kaya wala akong karapatan magselos." Dugtong na sabi ko saka natawa.

Label muna bago magselos.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now