CHAPTER FIFTY-THREE

Start from the beginning
                                    

Makalipas lang din ang ilang minuto ay bumitaw na siya iniabot ko sa kaniya yung panyo ko na kinuha naman niya saka pinunasan ang mukha niya na puno ng luha.

Infairness maganda pala siya yung ganda niya simple lang yung tipo na hindi nakakasawa at mas maganda siya kapag nakangiti siya.

"Puwede wag tayo rito mag usap sa may garden na lang, okay lang ba kung hindi naman okay iwanan mo na 'ko." Sabi pa niya

"Sabi ko di ba makikinig ako sa mga nararamdaman mo o problema mo."

"Sige salamat sa'yo atsaka pasensiya na rin sa abala."

"Ayos lang yun tumulong lang ako sa'yo tara na sa garden."

Nagsimula na kami sa paglalakad papunta sa garden pagdating sa garden ay umupo kami habang magkatabi kami, wala pa muna nagsasalita tapos makalipas lang rin ang isang minuto ay nagsalita na siya.

"Akala ko puwede na kami para sa isa't isa akala ko everything will be okay at masaya na pero hindi pa lahat ng story ang ending masaya mayroon pala na sa una lang masaya sa una lang sweet at hanggang ngayon masakit pa rin sa akin na almost 5 years na pinaghirapan namin ay mawawala lang ng isang iglap ang sakit lang kasi isipin." Sabi pa niya habang naiiyak.

"5 years ago, masaya na lahat nakaplano na lahat sa masayang ending namin mga pangarap namin sa buhay na magkasama kami tutupad mga pangako na tutuparin namin kaso isang araw sa isang iglap sa isang aksidente nawala lahat ng pangarap, nawala lahat ng pangako nawala yung saya mga pangako namin sa isa't isa na walang iwanan pero bakit niya ako iniwan sana sinama niya ako para hindi naman masakit para sa akin yung nangyari ang hirap pa rin kasi mag-move on hindi ko pa rin hanggang ngayon matanggap na wala na wala na yung taong nagpasaya sa 'kin yung tao na dapat hanggang sa dulo kami."

Nakakalungkot isipin na 5 years na sila tapos mawawala na lang bigla yung isa sa kanila, kumbaga planado na lahat kaso wala na finish na agad ending na agad ng story nila na pinaghirapan nila.

"Alam mo sa buhay ng tao hindi natin alam kailan yung panahon na mawawalan tayo kasi lahat ng nangyayari sa atin hindi natin inaasahan lahat ng pagsubok na yan ay dumarating kung kailan gusto nila kasi yan ang nagiging rason paano tayo lumaban sa buhay kung paano tayo mas magiging matatag na harapin yung pagsubok na yun. Siguro kaya hindi kayo ang naging para sa isa't isa ay dahil sa may plano ang diyos sa 'yo hindi mo alam pero maganda pala yun sabi nga di ba kung may mawawala may darating kaya, nawalan ka man sige okay lang yan kasi may blessing para sa'yo si God magtiwala ka lang mahirap tanggapin pero syempre kailangan maging matatag ka tapos wag ka susuko laban lang."

"Siguro ganoon ang plano ng Diyos hayaan mo makaka-move on rin ako at matatanggap ko rin na wala na talagang pag asa yung love story namin salamat sa payo mo hayaan mo isasa isip at isasapuso ko yan." Nakangiting sabi nito.

"Naks, sa wakas ngumiti na rin siya alam mo mas maganda ka kapag nakangiti ka kaya wag ka na umiyak dapat masaya pa rin tayo kasi ang buhay ine-enjoy hindi puwede na maging stress sa atin yan."

"Tama sige tandaan ko yan nga pala Nicole Pineda." Sabi niya sabay lahad ng kamay sa 'kin

"Jasmine Mendoza," sagot ko tapos nakipag-shake hands sa kaniya.

"Anong course mo pala?" Biglang tanong niya sa 'kin.

"Fashion Designer ikaw?"

"HRM ako,"

"Nice,"

"Next time ulit, atsaka sorry naabala pa kita may klase ka pa naman nakapag-absent ka tuloy dahil sa 'kin."

"Ayos lang yun pasok na pala ako ikaw ba wala ka pasok?"

"Vacant ko ngayon 1hour pa."

"So.. paano mauuna na ako okay ka na ba talaga?"

"Yes thank you so much hope we can be friend?"

"Sure friend,"

Tapos ay yumakap siya sa 'kin na ngayon masaya na napangiti na lang din ako dahil nakatulong ako ng taong may malaking problema at proud ako sa sarili ko because I made it.

Galing mo self.

"Kita na lang tayo thank you so much," sabi pa niya.

"You're welcome,"

Pagkasabi ko sa kaniya ay naglakad na 'ko papunta sa susunod kung klase, yiee nadagdagan na naman ang friendship ko ng isa.

Siguro samahan talaga ang barkada namin ng galing sa broken siguro ay dahil plano ni God yun para sa amin pero okay lang yun siguro gano'n talaga ang gusto niya para baguhin namin ang bawat isa at para na rin sama sama kami sa mga pagdadaanan namin na pagsubok sa buhay o sa pag ibig pa yan.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na ako sa next class ko, umupo na ako sa upuan ko at buti na lang wala pa yung prof namin kasi terror yun hindi nagpapasok ng late yun.

3 hours ang klase niya sa amin, kaya hangga't maari ay ayoko ma-late sa subject niya.

"Sana next sem hindi ko na siya prof, leche." Sabi ko sa aking sarili.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now