CHAPTER FIFTY-ONE

Começar do início
                                    

Sigurado ako na masama lang pakiramdam niya pero hindi and loob niya.

"Wala po kasi sinasabi sa amin pero sige po mauuna na po kami, pakisabi na lang po na pumunta kami." Sabi naman ni Bailey.

"Mamaya na kayo umuwi, nagluto ako ng madami rito na kayo kumain ng gabihan wag na kayo tumanggi." Sabi ni tita

"Wag na po nakakahiya po," pagtanggi ni Joaquin.

"Walang makakauwi sa inyo kahit isa," sabi ni tita.

"Sige po tita rito po kami kakain," Sagot ko na lang.

The more the merrier atsaka isa pa namiss ko luto ni Tita.

Wala na nagawa yung mga kasama ko kaya naman naghintay na lang kami at nag usap usap muna pero dahil tungkol 'to kay Taliyah nasabon tuloy ng tanong si Aubrey dahil sila ang magkasama ni Taliyah.

"Bakit na guidance si Iya?" Tanong ko.

"Nagkaklase kasi kami kay Ms. Santos terror pa naman yun, hindi ko alam kung ano yung iniisip ni Iya that time kasi nakikinig ako sa discussion dahil nga sa terror ang prof namin tapos namamahiya ng klase tinatawag si Iya pero hindi siya umimik tapos yung pangatlong  tawag hinampas yung table niya roon siya nabalik sa katinuan at sinabihan ni Ms. Santos na pumunta sa Guidance office." Sabi ni Aubrey

So lutang pala siya kaya siya na pagalitan ni Ms. Santos, oo totoo terror yung teacher na yun at andami talaga students na ayaw siya maging prof dahil nga sa terror siya  at alam ko yan kasi naging pannel list siya sa thesis at super hirap siya mapapayag as in pero dahil magaling naman ako dumiskarte ay nakapasa ako

Save by the Lord.

"Tapos anong sumunod na nangyari?" Tanong naman ni Bailey.

"Pagpunta niya sa second class nagkasagutan naman sila ni Kate yung cheerleader sa Campus natin hindi naman totally sagutan talaga nagparinig kasi si Kate kasi noon pa naman mainit ang dugo ni Kate kay Iya ewan ko ba roon sa babae na iyon tapos pagkasabi ni Kate na bida bida si Iya ay lumapit si Iya sa kaniya at ang alam ko sinabi ni Iya ay kaysa naman sa'yo na maganda at sikat bobo naman mas maayos na maging tulad ko natural na maganda may talino pa." Sabi ni Aubrey.

"Tapos yun na yung last na nangyari bago kayo pumunta sa may canteen," sabi naman ni Joaquin.

"Bago yun nagkaroon kami ng sagutan kasi sinabihan ko siya na dapat hindi na niya pinatulan si Kate kaso nagalit ata siya  pagpunta namin sa canteen wala talaga siya sa mood tapos badtrip pa." Paliwanag ni Aubrey.

"Kaya naman pala, sinong hindi mababadtrip na bumungad sa umaga mo ay demonyo agad malamang  sira na araw mo tapos dumagdag pa yung Kate na yun kapag talaga nagkita kami niyan sa school sasabunutan ko yan as in talaga." Nanggigil kung sabi.

"Kalma ka lang, nasa likod mo kami kapag naglaban kayo kami backup mo." Sabi naman ni Aubrey.

"Wag niyo na pansinin ang mga ganoon klase ng tao kulang sila sa pansin mga inggit lang yun." Sabi naman ni Bailey.

"Kaya nga, wag na kayo makipag away hayaan niyo na sila." Sabi rin ni Joaquin.

Natahimik na lang kami hindi kasi ako makakapayag na ginaganon ang mga kaibigan ko.

Makita ko lang yung Kate sa school sasabunutan ko talaga makaganti lang sa kaniya

Mukha naman animal o clown nadala lang naman ng make up kaya maganda mukha naman siyang patay kapag walang make up wag lang talaga kami magkabanggaan na siya lang mag isa sasabunutan ko talaga siya matapang lang siya kasi may back up lagi na kasama pero kung wala naman saksakan ng duwag.

Yabang, kapit kasama lang naman. Pwe!

Nandito kami sa hapag kainan si Taliyah lang ang wala at ayaw raw kumain masama talaga ang pakiramdam gumawa na nga yung mama niya ng excuse letter dahil sa mataas pa rin ang lagnat ni Taliyah pupunta raw sila sa hospital para daw magpa-check up atsaka si Aubrey ng magdadala ng  excuse letter kahit naman umabsent si Taliyah mape-perfect naman din niya yung exam siya pa ba basic lang yun sa kaniya. Hindi katulad namin talagang kailangan namin magsunog kilay mahirap kasi na kahit isa lang ang mali kailangan ulitin sa umpisa yung lay out, kailangan kasi tama kasi kapag mali ang sukat mali na siya kapag binuo mo na mismo dapat perfect siya perpectionist masyado 'tong course namin minsan nakakainis din.

Sarap na lang talaga i-quit.

Pauwi na kami ngayon ilang oras din kami nanatili sa bahay nila Taliyah ang dami na rin nakuwento ni tita sa amin kaya ang dami na rin alam nila Bailey, Paula at Joaquin about kay Taliyah.

"Alis na po kami tita, thank you po sa dinner atsaka sana po gumaling na rin po si Iya." Sabi ni Aubrey.

"Gagaling siya tiwala lang," sabi ni tita.

Masyadong bagets si tita, nakakasabay siya sa amin napansin ko kasi the way siya makipag usap sa amin.

Nakakatuwa lang.

"Sige po tita thank you po," sabi ko.

"Mag iingat kayo balik ulit kayo para mapagluto ko kayo." Sabi ni tita.

"Sige po thank you po talaga," sabi naman ni Paula.

"Salamat po," tipid na sagot ni Joaquin at Bailey

"Sige mag iingat kayo," sabi ulit ni tita.

Nag-wave na kami at nag umpisa na sumakay sa kotse ni Joaquin para naman mahatid na niya kami pauwi

"Sana gumaling na si Taliyah mamiss ko siya kahit isang araw lang hindi ko siya makita." Sabi ko sa isip ko.

Never ako magsasawa sa pagmumukha niya, walang rason para pagsawaan ko siya.

She's almost perfect after all.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora