Pagkapasok sa next subject ko ay napatingin sa 'kin ang mga kaklase ko akala siguro nila nagkaroon na ako ng record lalo na si Kate hayop na yan inggitera yan masyado agad ko siyang narinig na nagsasalita.

"Buti naman sa kaniya, sana hindi na siya ang summa cum laude ng Campus natin bida bida masyado eh akala mo lahat alam." Sabi ni Kate na nilalakasan pa at halatang pinaparinggan ako.

Lumapit ako sa kaniya para marinig niya mabuti ang sasabihin ko.

Naiirita na talaga ako sa kaniya eh.

"Alam mo ba nakakamatay ang pagiging inggit kung ako bida bida ikaw naman nagfe-feeling maganda, akala mo naman kinaganda mo yung pagme-make up mo hindi naman pantay yung make up mo. At least ako natural na maganda may laman pa yung utak, samantalang ikaw famous sa facebook bobo naman sa school puro ka lang ganda at sikat bobo ka naman." Sabi ko.

Natakimik na lang siya habang yung iba naman hindi na nakapag-react, alam nila na totoo yung sinasabi ko.

Ayoko na sana patulan kaso nakakainis lang talaga hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabait tayo minsan nakakapuno rin talaga, kahit anong klase ang iwas ang gawin tila away ang lumalapit sa'yo, nilalapit ka sa away ng tadhana.

Buong morning class ko ay nakinig lang ako, ayoko na maulit yung kaninang nangyari sa 'kin at baka ma-issue pa ako rito ayoko na maging sikat katulad ni Kate

Buwisit na first day 'to.

Lunch time na kaya magkasama kami papunta sa canteen ni Aubrey ng bigla na lang niya tinanong yung about sa kanina.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Aubrey.

"Wala ano ba dapat?"

"Kanina after guidance nagkasagutan kayo ni Kate?"

"Oo, wala naman bago kay Kate mahilig sa away kulang sa pansin yun eh."

"Tama pero dapat hindi mo na pinatulan di ba?"

"Nakakapuno na eh, nagsasawa na ako cous. Puwede ba wag na natin pag usapan yun."

"Okay sorry,"

Hindi na ako umimik pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad papunta sa canteen, pagdating sa canteen ay nandoon na yung apat dumeretsyo na ako sa bilihan para bumili bigla na lang tuloy akong nawala sa mood.

Badtrip umagang umaga.

Habang kumakain kami ay nag uusap usap sila ako tahimik lang nawalan talaga ako ng mood dahil sa kanina dagdag pa na masama ang timing sa 'kin ng Monday tapos badtrip na ako nito hanggang sa mg uwian.

"Anong drama natin bess, parang wala ka na naman sa mood mo." Sabi ni Jasmine.

"Wala talaga, wag niyo na siya kausapin." Sabi ni Aubrey.

Hindi na nila ako pinansin pa at nagpatuloy na sila sa pag uusap, habang ako naman ay kumakain lang feeling ko ang dami ng kinakain ko kahit onti naman ng kinakain ko bakit ang tagal ko matapos ewan ko ba parang wala akong gana.

Bigat sa pakiramdam.

Dahil sa wala naman ako ginagawa rito ay tumayo na ako para pumasok sa next class ko.

"Excuse me mauuna na ako sa inyo," paalam ko.

Tumayo na ako at hindi na hinintay pa ang sagot nila sa akin, pumunta muna ako sa locker at nilagay ang mga libro ko tinamad na ako pumasok kaya naman napagdesisyunan kung  umuwi na lang sasabihin ko na lang sa mga prof ko sumama bigla ang pakiramdam ko kaya umuwi na lang ako pagkatapos ko ilagay yung mga libro ko ay naglakad na ako palabas ng school.

Kakarating ko lang ngayon sa bahay naabutan kung walang tao mamaya pa naman uwi nila Nathalia at Nathalie matutulog na lang ako ngayon papakalmahin ko ulo ko at sarili ko, nagpahinga muna ako sandali ng biglang mag-ring ang cellphone ko pagkatingin ko ay si Bailey hindi ko na pinansin pa at hinayahan na mag-ring lang at nung mairita ako ay nilagay ko sa silent mode pagkatapos ay humiga na ako at nagsimula na matulog.

Nagising na lang ako na may humahampas sa paa ko pagkamulat ko ng mata ko ay nakita ko si Nathalie kaya umayos ako ng upo at humarap sa kaniya.

"Bakit?" Sagot ko habang nagkukusot ng mata.

"Kanina pa may tumatawag sa'yo wala ka ba balak na sagutin ate?" Tanong ni Nathalie.

"Wala makakaalis ka na sa kuwarto ko,"

"Sige ikaw bahala, may sakit ka ba ate bakit ang aga mo?" Tanong ni Nathalie.

"Pasuyo naman ng bioflu, bili mo ako para gumaling na rin ako."

"Sige ate hintayin mo 'ko,"

"Salamat,"

Umalis na siya kaya naman bumalik ako sa pagkakatulog, ang sakit talaga ng ulo ko kailangan ko siguro talaga uminom ng gamot para hindi na ako tuluyan lagnatin.

"Kaya siguro wala rin ako sa mood dahil masama pakiramdam ko," sabi ko sa sarili ko.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now