CHAPTER THIRTY-SIX

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alam ko naman yun, thank you talaga."

"Wala yun, natuto ka naman sa pagkakamali mo noon ayos na yun."

"Kaya nga, sige na rito na pala ko pasensiya na talaga sa nangyari kanina."

"Ayos lang yun, wag mo na gawing big deal pa, galingan mo."

"Salamat sa malawak na pag unawa, good luck laban para sa future."

Ngumiti na lang ako sa kaniya at nag umpisa na sa paglalakad papunta ng room makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako at kapag sinuwerte nga naman ay wala pa yung prof kaya mabilis agad akong umupo sa tabi ni Aubrey kaya naman napatingin 'to sa akin na may halong pagtataka.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ang tagal mo?"

"May nangyari lang na aksidente sa 'kin pero okay na rin naman."

"Oh! Okay ka na ba ngayon?"

"Kakasabi ko lang di ba, okay na 'ko paulit ulit,"

"Galit na galit agad te, masama na ba ang nagtatanong lang."

"Charot lang,"

Hindi na siya nagsalita pa dahil dumating na yung prof namin umayos na ako ng upo alam ko naman hindi sineryoso ni Aubrey yun kaya wala ako dapat ikabahala pagkabigay ng test paper sa'kin ay nag umpisa na 'ko sa pagsasagot.

This is it pancit exam ko na at sa awa naman ng diyos nasagutan ko naman lahat sana lang talaga ay tama lahat para naman ako pa rin ang nangunguna hindi ako nagmadali sa pagsagot sa mga tanong dahil maaga pa lang din hindi pa ako ready sa next exam ko, major subject kasi ang isang 'yon eh.

I made it natapos ko at nasagutan 'to kaya naman inayos kung ang mga gamit ko para makaalis na rin ako nakita ko rin si Aubrey na nag aayos, patapos na ako ng bigla siyang lumapit sa'kin.

Sabay kami naglakad ni Aubrey papunta sa next room kung saan kami next mag-te-take ng exam. Nag uusap kami habang naglalakad papunta sa assign room.

"Anong balak niyo after ng exam? Gagala kayo or uuwi?" Tanong nito sa akin.

"Ewan ko, sila Joaquin at Bailey lang nag-se-set ng gala sumasama lang ako eh. Ikaw anong gagawin mo?" Balik kung tanong.

"May gagawin ata kami ngayon, hindi ko sure kung ano hinihintay ko yung text ni mama kung anong ganap eh."

"Ahh. Goodluck na lang sa exam natin. Wala na 'ko ma-say eh." Natatawang sabi ko.

Natawa na lang kami pareho habang papasok sa room.

Ganito kami ka close yung tipong makuha ka sa tingin nagkakaintindihan na agad kami.

Ilang sandali lang ay dumating na yung prof namin kaya naman tumahimik na kami at umayos na ng upo.

Pagkatapos namin ay nagmadali magligpit si Aubrey.

"

Mauuna na ako may family dinner kami." Paalam sa akin ni Aubrey.

"Sige ingat ka," sagot ko rito.

Nagbeso na siya sa'kin at naglakad na palabas samantalang ako inaayos na ang mga gamit ko. Salamat naman at tapos na yung hell week namin puwede na ulit kami mag-pa-chill chill hintay na lang kami sa susunod na exam. Nag umpisa na ako maglakad palabas dahil napansin ko na dumaan ang barkada kaya tumakbo ako palapit sa kanila. Kumapit agad ako sa braso ni Bailey katulad ng lagi kung ginagawa.

"Saan kayo pupunta?" Sabi ko.

"Pupuntahan ka sana namin kaso nakita mo na kami." Sagot ni Bailey.

"Tara sa Park, sama ka ba Joaquin?" Pang aaya ko.

"Tara at kailangan ko rin magsaya." Sabi rin ni Joaquin.

Natawa na lang kami sa kaniya nag umpisa na kami sa paglalakad papunta sa parking lot at kay Joaquin na kotse ang gagamitin napapansin ko rin napapadalas na 'ko sa kotse.

Yes naman na experience ko rin sa wakas makasakay charot syempre nakasakay naman ako sa kotse, feeling ignorante lang ako here.

Pagkarating sa parking lot ay dumeretsyo na kami sa pagsakay sa kotse ni Joaquin at nagsimula na umalis papunta sa Park.

Nakarating na kami ngayon sa Park na located sa mid point ng lugar namin na tatlo para naman hindi unfair sa kanila atsaka ako rin ang nag-suggest sa kanila kasi ang balak ko yung malapit sa 'min kaso hindi ako pumayag kaya no choice sila nanalo pa rin ako at the end habang naka upo kami sa damuhan ay nag uusap usap kami.

"Kamusta exam? Basic ba?" Pabirong tanong ni Joaquin.

"Haist... Hirap kaya." Biro ko.

"Lol wag kami, basic lang yan ikaw pa ba?" Sabi na naman ni Joaquin.

"Hindi naman ako magaling sa lahat ng bagay eh, atsaka isa pa may kahinahan din ako hindi ko lang pinapakita kasi ang alam ng lahat magaling ako at malakas." Sagot ko.

"Kaya nga, ang buong alam namin ay strong ka pero minsan pala may kahinahan ka rin si Bailey pala yun." Sabi naman ni Joaquin.

"Pakyu ka pre, walang gano'n." Sabi naman ni Bailey.

"Choosy ka pa, Taliyah Agustin yan pre. Almost perfect yan pre, hindi ka lugi." Sagot ni Joaquin.

"Puwede ba tumigil ka na riyan Joaquin, baka sakalin kita riyan." Sabi ko.

Hindi na umimik pa si Joaquin samantalang ako naman ay wala na rin imik pa nag usap usap na lang kaming tatlo sa ibang bagay, puro si Joaquin ang nagtatalambuhay kagaya ni Aubrey.

Kung hindi lang talaga si Joaquin at Jasmine ship ko jusko mas bagay si Aubrey at Joaquin parehong ang daming kuwento paniguradong kapag nagkataon na maging sila parehong hindi mauubusan ng kuwento.

Nakinig na lang ako habang nagkukuwento 'to.

Pabalik na kami sa kotse dahil ihahatid na nila ako pauwiz ayoko na dapat kaso gabi na rin atsaka delikado na rin daw kaya no choice ako kung hindi ang magpahatid sa kanila sa bahay hindi na ako tatangi pa sayang aircon, makalipas lang din ang ilang minuto ay nakarating na kami pagkahinto nito sa tapat ng bahay ay bumaba agad ako gano'n din yung dalawa.

"Salamat sa paghatid, mag iingat kayo sa pag uwi niyo." Sabi ko.

"Oo sige, thank you rin sa pag aya goodnight." Sabi naman ni Joaquin.

"Sige na alis na kami, sa uulitin ulit." Sabi naman ni Bailey.

Hinintay ko muna sila makaalis bago ako naglakad papasok sa loob naabutan ko yung kambal na nakaupo sa may sala at nag uusap, ewan ko kung napansin nila na dumating na ako o sadyang mga wala lang pake kaya deadma pero hindi ko na lang sila pinansin pa at hinayahan na mag usap naglakad na lang ako paakyat sa kuwarto para magpalit ng damit at makakain ng gabihan.

"Tangina! Kagutom mag-exam," saad ko habang nagbibihis.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon