Epilogue

2.9K 54 15
                                    


AIDEA POV

Matapos ang mahabang preperasyon, sa simbahan din ang tuloy. Sa totoo lang ni minsan hindi sumagi sa isip ko na darating ang araw na ikakasal ako. Hindi ko din akalain na magagawa kong magsakripisyo para sa kaligayahan ng ibang tao. Wala kasi talaga akong pakialam noon kong nakakasakit na ako o hindi. Hanggang sa nakilala ko nga si Cloud. Nung una, wala talaga akong pakialam sa kanya. Pero ngayon kami na nga at ikakasal na. Pero bago kami dumating sa sitwasyon nato marami ako o kaming pinagdaanan. Naranasan ko ang masaktan. Umiyak, maglasing, at marami pang iba. Sabi nga nila paano mo malalaman na nagmamahal ka kung hindi ka nasasaktan.  Minsan akala natin pagibig na. Pero hindi pa pala.   Lahat ng sakit at hirap na naranasan ko lahat ng yun worth it. Ngayon, nandito ako sa harap ng simbahan at handa ng maglakad papasok sa loob. Hanggang sa bumukas na yung pinto at nagsimula ng tumugtog yung kanta. Marry your daughter. Nagumpisa na akong maglakad habang hindi inaalis yung tingin ko kay Cloud. Bakas sa mukha nito yung saya. Ako din naman. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya. Kung nandito lang sana si mommy at daddy alam kong masaya din sila para sakin. Nang malapit na kami binulungan ako ni kuya.

"Sure ka na ba talaga dito? Pwede pa naman kitang itakas." biro nito. Kinurot ko naman siya ng mahina.

"Wag ka nga kuya." natatawang sabi ko. Ngumiti naman ito.

"Masaya ako para sayo. Princess." nakangiting sabi nito. Hanggang sa nasa harap na kami ni Cloud. Katabi nito si Ivan, siya ang bestman. Si Cris ang maid of honor. At kung tatanungin niyo ako sa status ng dalawa? Complicated. Pero alam kong indenial lang tong dalawa na to. Tumikhim naman si kuya para kunin ang atensyon nito.

"Ingatan mo ang kapatid ko. Kapag pinaiyak mo to papatayin talaga kita." banta ni kuya.

"Oo na tatandaan ko yan." he said. Tapus kinuha na nito yung kamay ko. Ilang saglit pa nagumpisa na yung seremonyas. Hindi ko na nga namalayan na tinanong na pala ako.

"I do, father." I said. Then si Cloud naman yung tinanong.

"I do, father." He said.

"You may now kiss the bride." sabi ng pari. Dahan dahang lumapit sakin si Cloud at unti unting inangat yung beli ko para mahalikan ako. Hanggang sa maglapat na yung labi namin. Naghiwalay lang kami ng may marinig kaming sumigaw.

"Mamaya na yan!! May reception pa.!!" sigaw ni Cris. Namumula ang pisngi na humiwalay ako kay Cloud. Si Cloud naman naiiling na lang sa pinaggagawa ni Cris.

"Masaya ka ba?" tanong nito. Tiningnan ko siya sa mga mata.

"Oo. Masaya ako sobra. Salamat at dumating ka sa buhay ko." nakangiti kong sabi sa kanya. Napatingin ako kay Ivan ng lumapit ito.

"Congrats man. Sayo din." bati nito. Tiningnan ko naman siya sabay akbay sa kanya. Nasanay na ako eh.

"Thank you. Ikaw kelan ka ikakasal?" tanong ko. Hindi pa siya nakakasagot ng hilahin ako ni Cloud. Seloso talaga nito.

"Malapit na. At ikaw Cloud, wag ka nga magselos hindi bagay sayo. Tsaka may Laureen na ako no"sabi nito at naglakad na palayo. Sunod naman si Cris.

"Best!!! Im so happy for you. Congrats!! " sigaw nito. Niyakap ko naman siya.

"Salamat. Eh kayo ni kuya kelan?" tanong ko. Ngumuso naman ito. Wala ng pagasa to.

"Hmp!! Wag mo ngang banggitin yun. Nakakainis." makt nito. Naiiling na nagpaalam na kami sa kanila para makapunta na sa reception. Habang umaandar yung kotse masuyo niya akong hinalikan sa labi.

"I love you." he said. Ngumiti ako sa kanya.

"I love you too." I said.

Wala na akong mahihiling pa. Sa wakas. Naramdaman ko rin kung paano sumaya. At laking pasasalamat ko at si Cloud ang nagparamdam sakin nun. Minsan hindi talaga natin alam kung sino ang para satin. Hindi natin alam kung kelan sila darating sa buhay natin. Masasabi ko lang maghintay at wag magdali.

AUTHOR'S NOTE

Sa wakas natapos na din ako.

Im so proud of myself ^___^

Thank you for the patience while reading this.

I love you guys, Mwah ♥

For more stories just visit my profile

-a l l i s o n m a x i n e

Votes and comments are highly appreciated ♥♥




SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon