CHAPTER 32

1.4K 25 0
                                    

AIDEA POV

After maipaliwanag sakin ni Cris ang lahat ng detalye ay napangiti ako.

"Mukha namang wala na akong dapat gawin dito. Polido na eh." nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti naman ito ng malapad.

"Sorry naman, exited lang kasi ako. Sa wakas makakapagpatayo na ako ng hotel and restaurant sa canada. Atleast kapag dinalaw kita may matutuluyan ako." she said. Kuripot na pala ito ngayon?

"Masaya ako para sayo. Finally, natupad mo na yung mga pangarap mo." sabi ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako.

"Eh, ikaw? Kelan mo tutuparin yung pangarap mo?" I sighed.

"Alam mo naman na hindi ko  ko pa pwede ko iwan ang kumpanya. Kailangan pa ako ni kuya. Siguro kapag maayos na ang lahat." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Okay lang yan noh." she said. Parehas kaming napatingin sa pinto ng may kumatok.

"Come in." she said. Bumukas naman iyon at pumasok si Laureen? Halos walang nagbago sa kaniya. Ngumiti siya samin at umupo sa tabi ko. Nakabalik na pala ito.

"Hi. Kamusta? Namiss ko kayo." she said. Ngumiti din kami sa kanya. Si Cris ang unang nagsalita.

"Ikaw nga dapat naming kamustahin. Long time no see. Isang taon din yun ah?" sabi ni Cris.

"Ah, oo nga eh. Gusto narin kasi umuwi ni Ivan." naiilang na sabi nito.

"Ano ka ba, wag ka nga mailang dyan. Ano? Magaling na ba siya?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito.

"Oo. Pero hindi pa din niya naaalala lahat. Pero kahit papaano meron naman na." magandang balita yun.

"Eh, si Dea ba naaalala na niya?" tanong ni Cris. Napatingin naman ako kay Laureen. Huminga ito ng malalim.

"Ang alam palang niya matalik kayong magkaibigan." alanganing sabi niya. Napangiti naman ako.

"Okay na ako doon. Kahit yun lang." sabi ko sa kanya. Atleast, hindi na ako maiilang sa kanya kapag nagkita kami. Napansin kong may nakasuot sa kamay niya. Nanlalaki ang mga mata na tinanong ko siya.

"Ikakasal ka na ba?" tanong nito. Ngumiti naman ito.

"Ah, hindi. Kami palang" napakamot pa ito sa batok. Napatalon ako sa tuwa.

"Really? Finally, nagkatuluyan din kayo!!" sigaw ko.

"Hindi nga Laureen? Kayo ni Ivan? Sa wakas wala ng kaagaw si Cloud." tudyo nito.

"Che!! Wag ka magpaniwala dyan Laureen." sabi ko sa kanya. Nagtatakang tiningnan niya ako.

"Anong ibig sabihin nun? Kayo na ni Cloud?" gulat na tanong nito. Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Oa niyo ha? Oo kami na. Isang taon na." nakangiti kong sabi. Siya naman ngayon ang napalakpak.

"So, wala na palang problema?" singit ni Cris.

"Yeah, tara magcelebrate tayo. Kain tayo sa labas" sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sila parehas at tumayo. Hinila narin nila ako.

"Tayo na dyan baka magbago pa isip mo eh. Libre mo ah?" sabi ni Cris. Natatawang tumango nalang ako sa kanila at sabay sabay na kaming lumabas ng opisina nito.

Matapos ko silang ilibre nag aya na si Cris na umuwi. Kita mo tong babaeng to.

"Pagkatapos ng lahat uuwi ka na agad?" kunwari tampo ako sa kanya.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon