CHAPTER 27

1.3K 21 0
                                    

AIDEA POV

Matapos kaming kumain agad na nagyaya si Cris na pumunta sa Vbar. Nang makapasok kami sobrang daming tao kaya nakipagsiksikan pa kami para lang makapunta sa bar counter. Nang makarating kami, agad kaming naupo sa high stool.

"Waiter! Isang martini!!." sigaw ko sa waiter dahil hindi kami magkarinigan.

"Isang vodka!!" sigaw naman ni Cris. Napangiti kami parehas. Habang naghihintay ng order marahan kaming sumasabay sa beat ng tugtug. Ilang sandali pa dumating na yung order namin. Agad kong ininum yun at sumenyas pa ng isa. Tumango naman ito at kumuha pa ng isa bago binigay sakin. Nakaka-apat na shot ako ng biglang may lumapit samin. Napatiningin ako sa nagsalita.

"You're Dea right?" tanong nito. Napangisi naman ako. Tadhana nga naman, naniniwala na ako sa kasabihang maliit lang ang mundo. Tumingin naman sakin si Cris.

"Do you know her?" tanong nito. Tiningnan ko si Cris ng a bitch one look. Agad naman tumaas ang kilay nito at binalingan ang babae.

"May kailangan ka ba sa kaibigan ko.?" mataray nitong tanong.

"Wala naman, gusto ko lang sana siyang sabihan na layuan niya si Cloud" nagulat man ako sa sinabi niya hindi ko yun pinahalata sa halip tumingin ako sa kanya ng nakangiti.

"Why are you smiling?" naiiritang tanong nito.

"Naririnig mo ba yung sinasabi mo.?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? May mali ba sa sinabi ko.?" taas kilay na tanong nito. Naiiling na bumaling ako sa kanya.

"Sa tingin mo ba susundin ko yung sinabi mo.?" I said. Nagtatagis ang bagang na tiningnan niya ako.

"Ang kapal ng mukha mo malandi ka!!" sigaw nito at mabilis na lumapit sakin. Bago pa siya tuluyang makalapit tinapon ko sa mukha niya yung baso na may laman na alak. Napaatras siya ng tumama yun sa mukha niya. At dahil hindi na ako nakapagpigil hinablot ko yung buhok niya pababa at hinawakan ang isang kamay niya bago inikot yun patalikod. Napaigik ito sa sakit.

"Dea!! Tama na yan!!" sigaw ni Cris pero wala akong pakialam. Nabitawan ko yung buhok niya ng may biglang humila sa buhok ko. Narinig ko pang napamura si Cris. Tinulak ako nun at bumangga ang katawan ko sa high stool. Shit. Sinusubukan talaga ng babaeng ito ang pasensya ko. Akmang tatayo na ako maramdaman kong hinila ni Clarice yung buhok ko. Fuck!! Parehas kaming napatingin sa nagsalita.

"Clarice, bitawan mo si Dea ngayon din." Cloud? Paano to nakapunta dito? Napatingin ako kay Cris. So tinawagan niya si Cloud? Tss. Ilang minuto na ng nagsalita si Cloud pero hindi parin ito kumikilos. Tiningnan ko si Cloud na madilim ang tingin kay Clarice.

"Ang sabi ko bitawan mo siya.!!" sigaw nito. Napaiktad naman yung babae sa likod ko at dahan dahan na binitawan yung buhok ko.

"Cloud, Im sorry, hindi ko sinasadya." bakas sa mukha nito yung takot. Seryosong tiningnan ni Cloud si Clarice.

"Nakita ko ang nangyari. Galing ako sa opisina mo. Nang sabihin sakin ng secretary mo na umalis ka kasama si Cris agad akong pumunta dito. At ito ang nadatnan ko." pagkatapos niyang sabihin yun sakin nilipat niya ang tingin niya kay Clarice.

"Hindi mo dapat ginawa yun. Isa pa, wala kang na karapatan na palayuin sakin si Dea. Kaibigan lang kita. At kung iniisip mo na hihigit pa doon ang pagtingin ko sayo, nagkakamali ka." he said. Tss. Tapos na ba sila magdrama? Nilingon ko si Cris na tulala pa din.

"Kita nalang tayo bukas." sabi ko sa kanya at mabilis na lumabas ng Vbar. Naririnig ko pa na tinatawag niya ang pangalan ko pero wala akong pakialam. Naglakad lang ako palabas at ng makalabas ako agad kong itinaas yung kamay ko para sana pahintuin yung taxi pero bago ko pa magawa yun nahawakan na ni Cloud yung kamay ko at hinila ako sa gilid ng kalsada.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon