CHAPTER 19

1.3K 21 0
                                    

AIDEO POV

Kanina ko pa tinatawagan si Dea pero hindi sinasagot. Ano ba ang nangyayari sa babaeng yun? Naiinis na hinagis ko yung phone sa sofa. Hindi ako mapakali. Napalingon ako sa phone ko ng tumunog yun. Agad kong kinuha yun.

"Yes Drew? Ano?" inis kong tanong. Tumawa naman ito.

"Relax ka lang Mr. Dela Cruz. By the way nahanap ko na yung pinapahanap mo. Base sa nakuha kong impormasyon nagpunta siya sa Paris para sa business trip kaya lang sa hindi malamang dahilan hindi na yun natapos at agad umuwi nang pilipinas." he said. So, nasa Pilipinas na si Cris?

"Okay. Thanks man." kailangan kong tawagan ang kapatid ko baka magkasama sila ngayon.

"May bayad yun bro." sabi nito.

"Name your price." sabi ko at pinatay na yung tawag. Agad kong hinanap yung number ni Cris sa phone ko. Nakailang ring din bago nito iyon sinagot. Napalunok ako ng marinig ko yung boses nito.

"Hello? Aideo?" napalunok ako ulit bago nakasagot.

"C-cris, nasaan ka?" shit. Para akong tanga dito.

"Hindi mo pa ba alam? Naaksidente si Ivan. Nandito kami ni Dea sa ospital. Nagaalala na nga ako sa kapatid mo wala siyang tigil sa pagiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko." nagaalala ang boses nito. Shit. Si Dea? Kailangan niya ako. Agad kong pinatay yung tawag. Sorry Cris. Tinawagan ko ulit si Drew.

"Hello bro, ikuha mo ako nang plane ticket papunta sa Pilipinas. Emergency." sunod sunod na sabi ko.

"What the hell? May nabuntis ka?" sigaw nito. What?

"Hell no.!! Kailangan ako ng kapatid ko." seryosong sabi ko.

"What? Okay. Bye." sabay patay ng tawag. Naiiling na binaba ko na yung phone. Wait for me my twin.

CLOUD POV

Dumeretso ako sa ospital kung saan nakaconfine si mama.

"Mama, kamusta po ang pakiramdam niyo?" tanong ko kay mama. Umupo ako sa tabi niya at huminga ng malalim.

"May problema ba, anak?" tanong nito. Umayos ako ng upo at saka nagsalita.

"Galing po ako sa ospital. Naaksidente po kasi yung kaibigan ko. Ayun hindi matanggap ni Dea. Naaawa na nga ako kasi hindi siya tumitigil sa pagiyak." nagaalalang sabi ko kay mama
"Ganun ba? Kamusta naman yung kaibigan niyo?" tanong nito.

"Comatose po siya ngayon." I said. Napatingin ako kay Aisa ng pumasok ito sa loob.

"Oh, kuya nandito ka na pala. Mama, nakuha ko na yung resulta. Salamat at wala naman silang nakita. Makakalabas na daw tayo bukas." masayang sabi nito. Nakahinga na ako ng maluwag. Finally.

"Mama. Papahinga lang ako." sabi ko at lumipat sa sofa. Hanggang sa nakatulog na ako.

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Pupungas pungas akong umayos ng upo at kinapa sa bulsa ko yung phone. Tiningnan ko kung sino yun, si Cris.

"Hello? Cris? Napatawag ka?" sagot ko sa tawag niya.

"Cloud. I need your help. Si Dea kasi ayaw umuwi. Ayaw rin kumain. Hindi ko na alam ang gagawin ko dito." naiiritang sabi nito. Huminga ako ng malalim bago tumayo.

"Aisa, ikaw muna bahala kay Mama. May pupuntahan lang ako." sabi ko.

"Kay Ate Dea ba? Kuya, wag mong sukuan si Ate. Naguguluhan lang siya ngayon." makahulugang sabi nito. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon