CHAPTER 21

1.3K 21 0
                                    

AIDEA POV

Nagtext ako kay Laureen na hindi muna ako makakabalik ngayon sa ospital. Nagreply naman ito na okay lang. Sumama ako kila Tita sa bahay nila. Hindi ko din alam kung bakit basta nung nakita ko siyang lumungkot parang nakonsensya ako. Pagkarating namin sa kanila agad kong inalalayan si tita papunta sa kwarto nito. Inihiga ko siya sa kama at inalalayan.

"Magpahinga ka muna tita para gumaling kayo kaagad." paalala ko kay tita. Ngumiti naman ito at sumunod.

"Salamat iha, salamat at bumalik ka na sa buhay ng anak ko. Hindi mo alam kung gaano siya kasaya. Bumalik na siya sa dati nung una ka niyang nakilala." nakangiting sabi nito. Umupo ako ng maayos. Ayokong masaktan si tita.

"Tita, gusto ko lang malaman niyo na nahirapan ako noon. Pero hindi ko rin po maitatangi na sa kabila ng nangyari alam kong mahal ko parin siya. Pero hindi pa po ako handa. But dont worry tita sinusubukan ko naman." seryosong sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Naiintindihan ko. Pero pwede ba ako humingi ng pabor sayo." nagulat man tumango parin ako.

"Sure tita basta kaya ko." nakangiti kong sabi. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"Hayaan mo si Cloud na gawin ang gusto niya. Hayaan mo siyang makapasok ulit sa puso mo. I hope you understand." she said. Huminga ako ng malalim at ngumiti. Wala naman sigurong masama.

"Yes tita." nakangiti kong sagot. Inayos ko na yung kumot ni tita at nagpaalam na. Pagkasara ko ng pinto napatalon ako sa gulat ng biglang magsalita si Cloud.

"Ano ba! Mamamatay ako sa ginagawa mo." naiinis kong sabi. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi ka pa pwedeng mamatay. Mamahalin mo pa ako." he said then hinatak niya ako papunta sa kusina. Namumula ang pisngi ko. Ang lakas pa ng tibok ng puso ko. Ano daw? Banat ba yun? Effective kasi kainis.!! Nang makarating kami sa kusina nakakita ako ng pagkain. Kakatapos lang namin ah? Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Cloud, kakakain lang natin." seryosong sabi ko sa kanya. Napakamot naman ito sa batok.

"Baka kasi gutom ka pa." sabi nito. God. Nagulat na naman ako ng bigla niya akong hatakin ulit. Hanggang sa huminto kami sa guest room.

"Magpahinga ka muna. Kailangan mo yun. Ayokong magkasakit ka." sabi nito. Parang may humaplos sa puso ko. Tumango lang ako sa kanya. Siya na ang nagsara ng pinto. Huminga ako ng malalim bago nahiga sa kama. Ilang sandali pa napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Binuksan ko yun at nakita ko si Cloud na may hawak na isang baso ng gatas.

"Inumin mo para makatulog ka ng maayos." he said tapos inabot niya yun sakin. Nakangiti ko yung tinanggap.

"Salamat." lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. Shit.

"Sige na. Pasok ka na."he said. Pagkaupo ko sa kama ininom ko muna yun bago ako nahiga. Ilang saglit pa nakatulog na ako.

Nagising ako dahil sa liwanag. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang braso ko. Unti unti may naaaninag akong isang tao na naglalakad palapit sakin. Hanggang sa nasa harapan ko na siya. Ivan? Kelan pa ito nagising? Nananaginip ba ako?

"Ivan, ikaw ba yan?" ngumiti ito sakin. Umupo siya sa harap ko.

"Kamusta ka na?" tanong nito. Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Ano bang sinasabi mo?" nginitian niya lang ako ulit. Mayamaya lumamlam yung mga mata niya.

"Aidea DelaCruz." he said. Kinakabahan ako sa kinikilos niya.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon