CHAPTER 12

1.5K 20 0
                                    

CLOUD POV

Nakatulala parin ako kahit nakaalis na silang dalawa sa harap ko. Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko.

"Ah, sir, kukunin ko na po sana yung bill." sabi nito. Napatingin ako sa pera na nasa harap ko. Kinuha ko yun at ibinigay sa kanya. Tumayo na ako at umuwi. Wala ako sa sarili habang nagmamaneho hindi ko namalayan na nakahinto na pala ako. Nagulat ako ng may bumusina sa likod ko. Shit. Agad kong pinaandar yung kotse at pumasok na sa gate ng Cruz village. I sighed. Ganun na talaga ako kabaliw sa babaeng yun kahit sa pagbili ng bahay dito ko naisipan na bumili. Hininto ko ang sasakyan at nagbusina agad namang binuksan ni Aisa yung gate. Pinasok ko na yung sasakyan at pinark. Dinampot ko yung bag ko at lumabas ng kotse.

"Kuya, okay ka lang ba?" tanong ng kapatid ko sakin. Tiningnan ko siya ng masama. Inikutan niya lang ako ng mata at nagsalita.

"Nakakunot kasi yung noo mo. Stress ka ba sa work?" tanong nito.

"Hindi dahil doon" I said. Tumaas ang kilay niya. Magsasalita na sana siya ng unahan ko.

"Mamaya ko na sasabihin. Nasaan si mama?" sa halip ay tanong ko.

"Nasa sala nanonood. Kumain ka na ba? Naghahain palang kasi si yaya." sabi nito. Sa halip na sumagot naglakad na ako papasok ng bahay. Nagbihis muna ako bago bumaba at nagtungo sa sala. Lumapit ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti ito at nagsalita.

"Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong nito. Napailing nalang ako. Minsan iniisip ko kung may powers si mama. Ang bilis niya kasi makaramdam kung may problema ka o iniisip.

"Nagkita na kami mama." nagtatakang tumingin siya sakin.

"Sino?" she asked. Huminga ako ng malalim.

"Si Aidea po. Aksidenteng nagkita kami kanina." bakas sa mukha ni mama ang gulat pero mas nanaig ang ngiti nito. Matagal na kasing gustong makita ni mama si Dea. Ewan ko ba pero ang gaan daw kasi ng pakiramdam niya kapag nakikita niya ito.

"Oh, anong nangyari?" tanong ni mama sakin. Huminga ako ng malalim.

"May kasama siya. Yung ex-boyfriend niya. Pero kaibigan parin niya." sabi ko sa kanya. Ngumiti si mama sakin. Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Bakit po kayo nakangiti?" takang tanong ko.

"Nagseselos ka. Hindi mo matanggap na kahit ex na niya naging kaibigan parin niya. Na bihirang mangyari." komento ni mama. Napaiwas ako ng tingin. Napalingon kami ni mama kay Aisa na paparating.

"Kakain na tayo." sabi nito. Lumapit si Aisa kay mama at inalalayan ito paupo sa wheelchair nito. Sabay na kaming kumain. Habang kumakain nagtanong si Aisa.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo?" tanong nito. Paulit ulit? Bakit ba siya nagkaroon ng kapatid na makulit.

"Nagkita na sila ng ate Dea mo." si mama ang nagsalita para sakin. Napaatras ako ng biglang sumigaw si Aisa. Shit. Babae ba to?

"Ano ba Aisa?! Ang lakas ng boses mo." sigaw ko sa kanya.

"Sorry naman kuya. Nagulat lang kasi ako. Ano? Nagkausap ba kayo? Nabanggit mo ba ako sa kanya?" sunod sunod na sabi nito.

"Hindi. Aksidente lang ang pagkikita namin. Sabi ko nextime." walang gana kong sabi. Umingos naman ito.

"Baka naman inaway mo?" nakasimangot na sabi nito. Seriously, mama at kapatid ko ba ang dalawa na ito? Mas gusto kasi nila si Dea kesa sakin na anak.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon