CHAPTER 16

1.5K 16 1
                                    

AUTHOR'S NOTE

Hay!! Natapos din sa wakas!! Sa mga nadissapoint sa flash back ko sorry naman. Gusto ko lang naman malaman niyo na hindi lang lalaki ang nasasaktan. Hindi lang lalaki ang nawawala sa katinuan kapag nasasaktan ng dahil sa pagmamahal. Hindi lang siguro nahahalata ng iba pero nangyayari yun.

Sana po nagustuhan niyo.

IVAN POV

What the? Binabaan niya ako ng telepono. Pumikit ako ng mariin. Kung kanina ayos lang ang pakiramdam ko ngayon naiinis na ako. Alam kong yung nangyari kagabi yung dahilan ng inaasal niya ngayon. Pilit kong pinakalma yung sarili ko. At dahil wala akong masyadong talent sa pagluluto magpapadeliver nalang ako ng pagkain. Pang dalawang tao yung inorder ko alam ko kasing gutom yun pagdating. Ilang minuto lang dumating na yung delivery binayaran ko yun at nilapag sa mesa. Tiningnan ko yung relo sa braso ko. 10:30pm. Bakit kaya wala pa siya? Kinuha ko yung phone ko ibabaw ng mesa at tinawagan ito.

The number you have dialed
Is either unattended or out of coverage area..

Sinubukan ko ulit pero operator parin ang sumasagot. Naiinis na hinagis ko yung phone sa sofa. Hindi ko naman sinasadya na sabihin yun. Kaya lang lumabas nalang sa bibig ko yun. Hanggang ngayon nahihirapan parin akong magadjust. Hindi naman kasi madaling magtago ng nararamdaman. Lalo na kung napakalapit ng taong yun sayo. Huminga ako ng malalim at binuksan ang tv. Lilibangin ko muna ang sarili ko.

Nagising ako sa mahinang tapik sa balikat ko. Unti unti kong minulat yung mga mata ko. I saw Dea standing infront of me. Dahan dahan akong umayos ng upo.

"Bakit dito ka natulog?" tanong nito sakin.

"Hinihintay kita." sagot ko sa kanya habang kinukusot ko ang mga mata ko.

"Hindi mo na dapat ako hinintay naputol tuloy ang tulog mo." sabi nito habang umiinom ng tubig. Napatayo siya ng maalala yung pagkain na pinadeliver niya kanina. Naglakad siya papunta sa kusina at nilagay sa oven yung pagkain para initin.

"Kumain kana ba?" tanong ko sa kanya. Huminga ito ng malalim bago marahang umiling. Dahan dahan siyang lumapit dito at tinitigan ito sa mga mata.

"May problema ba tayo?" seryosong tanong ko sa kanya. She sighed.

"Im sorry sa inasal ko kanina. To be honest, binalak ko talagang iwasan ka. Alam kong alam mo ang dahilan. But hindi ko pala kaya. Im sorry" she said. Then lumapit siya sakin at niyakap ako. Ngumiti din ako at niyakap siya ng mahigpit.

"How many times I told you na wala kang kasalanan. Ginusto ko ang manatili sa tabi mo. Ginusto ko ang alagaan at bantayan ka. Kaya please, dont worry. Okay?" marahan naman itong tumango. Alam kong nagiging selfish na ako pero sinusubukan ko naman hindi pa nga lang ngayon. Dahan dahan ko siyang inilayo sakin.

"Kumain na muna tayo." I said.

"Hindi ka pa kumakain?" takang tanong nito.

"Hinintay nga kita diba? By the way, masarap yung cookies." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Wala pa nga yun sa mga nagawa mo para sakin." sabi nito. Napailing nalang siya.

"Saan ka pala nagpunta?" I asked. Umiwas siya ng tingin sakin at umupo sa sofa.

"Sa office. Marami akong tinapos na trabaho. And may nangyari din kaya natagalan ako." she said. Kumunot naman ang noo ko.

"What happened?" tanong ko habang naghahain.

"Nagpunta si Cloud sa opisina ko. Tungkol daw sa proposal. But biglang nagkaroon ng emergency." bakas sa mukha nito ang pagaalala. Matapos akong maghain tumabi ako sa kanya.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon