CHAPTER 10

1.6K 19 1
                                    

AUTHORS NOTE

Natapos din.!!

Drain na ang utak ko. Hehe

Pasensya na kung may mali kayong makita. Intindihin nalang po.!!

Sana nagustuhan niyo.

Slow update po. Iniipon ko kasi muna..

Thanks.

Enjoy reading po..

AIDEA POV

Makalipas ang ilang linggo Dumating na yung araw na kailangan ko ng bumalik sa pilipinas para makipagusap sa CDRC na pagmamay-ari ni Cloud. Nais niyang maginvest sa kumpanya namin. At nais niya din magtayo ng isang hotel and resort sa canada kaya kailangan ko talagang pumunta ngayon doon. Tumayo na ako sa kama at pinuntahan yung dalawa sa sala na kanina pa nagaaway.

"Hindi nga pwede!! Sa unit ko siya tutuloy baka magulat nalang ako buntis na ang bestfriend ko" sigaw ni Cris kay Ivan. Fuck. Naalala ko nanaman yung kagabi.

"Ano? Umayos ka nga Cris!! Hindi ako ganyan!!" sigaw naman ni Ivan. Hay nako. Kelan ba sila titigil? Lumapit ako sa kanila para sana umawat kaya lang pagkalingon ko kay Ivan napansin kong namumula yung mga mata niya. Nagiwas siya ng tingin ng mapansin niya akong nakatitig sa kanya. Nilipat ko ang tingin ko kay Cris nagkibit balikat lang siya. I sighed. May nangyari ba?

"Kumilos na kayo. Aalis na tayo." sabi ko at naglakad pabalik sa kwarto para kunin ang maleta ko. Lumabas na ako habang yung dalawa inaabangan ako. Kinuha ni Ivan yung maleta ko at lumabas na ng unit nang magsalita si Cris.

"Ivan!! Dalhin mo din yung sakin!!" sigaw nito pero hindi siya nilingon sumigaw lang din.

"May mga kamay ka!!" sigaw nito habang papunta sa elavator. Napailing nalang ako at naglakad na palabas. Nang maisara ko na yung pinto kinalabit ako ni Cris.

"Best. I smell something. Mukhang hindi pa siya nakakamove on sayo." sabi nito. Napansin na pala niya.

"Actually, hinalikan niya ako kagabi." muntik na akong matawa ng mapatid siya sa sarili niyang maleta. Inis na nilingon niya ako.

"Shit!! What? At pumayag ka naman?" iniwas ko yung tingin ko sakanya.

"Ano ka ba naman? Hindi mo ba alam na pinapaasa mo lang yung tao.? Dea, maawa ka naman kay Ivan." i sighed. Hindi ko naman to ginusto. Mahirap lang talaga pakawalan ang taong nasanay kana na laging nasa tabi mo.

"Hindi ko siya pinapaasa. Isa pa malinaw na sa kanya kung ano kami. Kahit sabihin ko sa sarili ko na kailangan ko siyang palayain hindi ko pala kaya. Malapit na kaibigan siya para sakin." sabi ko sa kanya. Huminga ako ng malalim.

"Pero hindi bilang kaibigan ang nakikita ko sa mga mata niya." komento nito.

"Im sorry Cris. Pero hindi ko na din alam ang dapat gawin." pagamin ko sa kanya. Ngumiti lang siya. Hindi namin namalayan na nasa parking lot na kami. Uupo na sana si Cris sa passenger seat ng bigla siyang hatakin ni Ivan papasok sa back seat at ako naman sa passenger seat.

"Ang daya mo talaga Ivan! Ako dapat ang katabi ni Dea matagal kaya kaming hindi nagkasama! Hindi na ako magtataka kapag nagkapalit kayo ng mukha" naiinis na sabi nito. Palagi nalang silang nagaaway.

"Dun ka kay Deo maglambing hindi sa bestfriend mo" nakangising sabi niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong meron? Tiningnan ko sa review mirror si Cris at nakita kong namumula ang pisngi nito. Mukhang may dapat akong malaman.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon