CHAPTER 22

1.3K 17 0
                                    

IVAN POV

Unti unti kong minulat yung mga mata ko ng makarinig ako ng mga boses. Medyo nagulat pa ako ng biglang may lumapit sakin na isang magandang babae.

"Ivan? Ano? Kamusta? May masakit ba sayo? Laureen!! Tumawag ka ng doktor!!" sigaw nito. Wait si Laureen ba yung tinawag niya? Magkakilala ba sila? Tinitigan ko lang siya hanggang sa magsalita ulit siya.

"Ivan? Magsalita ka naman. Ano? May masakit ba sayo?" nagtatakang tiningnan ko siya. Mas lalo akong nagtaka ng umiyak siya. Biglang sumikip yung dibdib ko. Anong nangyayari?

"Sino ka?" tanong ko. Bakas sa mukha nito ang gulat.

"Ivan, ano bang sinasabi mo? Wag ka naman magbiro ng ganyan" she said. Naalarma ako ng bigla niya akong hawakan sa pisngi. Mabilis kong tinabig yung kamay niya. Ano bang ginagawa ng babaeng to? Baka makita ito ni Laureen. Nasaan na pala ito? Mabilis na may umalalay sa kanyang lalaki na hindi ko din kilala. Bakas din sa mukha nito ang galit.

"Fuck!! What the hell is your problem?!! Ramirez!!" sigaw nito sakin. Naguguluhan na ako. Tiningnan ko siya.

"Hindi kita kilala. Lalo na siya." turo ko sa kanilang dalawa. Nakita ko na naman na umiyak yung babae. Shit. Bakit nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak?

"Are you kidding me? Umayos ka nga! Nasasaktan na si Dea sa mga biro mo!" mas kumunot ang noo ko. Mas lalo akong walang maintindihan. Napatingin naman ako sa babae lumapit ulit siya sakin. Pilit kong inaalala kong sino siya. Iba kasi yung pakiramdam ko sa kanya.

"Hindi. Nagbibiro ka lang. Hindi mo ko pwedeng makalimutan ng ganun lang kadali." bulong lang pero dinig kong sabi niya. So ibig sabihin magkakilala talaga kami? Paano? Wala talaga akong matandaan. Napatingin kami lahat ng bumukas yung pinto at pumasok ang isang doktor at nurse. Lumapit sila sakin may kung anong mga tinanong na sinagot ko naman.

"Dok, ano pong nangyari? Bakit hindi niya ako maalala?" tanong nung babae. Teka nga bakit sila ang nandito? Nasaan ba sila mama?

"Im sorry, dahil sa lakas ng pagkakauntog niya may ilang parte ng utak niya ang naapektuhan. At yun ang dahilan kung bakit hindi ka niya maalala." sagot ng doktor. So nauntog ako? Kaya wala akong maalala. Hindi ko na pinansin yung mga pinagsasasabi ng doktor. Nabaling ang atensyon ko sa isang basong tubig sa gilid. Hindi ko yun abot dahil may IV sa kamay ko. Lumapit ulit yung babae at inabot sakin yung tubig. Kinuha ko na lang yun. Nang matapos ako binalik ko din sa kanya yung baso at nagtanong.

"Sino ka ba?" tanong ko sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" paninigurado nito. Malapit na akong mairita sa babaeng ito.

"Magtatanong ba ako kung oo?" naiinis kong tanong. Nakita ko sa mga mata niya yung sakit. Bakit parang gusto kong batukan ang sarili ko sa sinabi ko. Biglang lumapit yung lalaki.

"Ako ba pare nakalimutan mo din?" tanong nito. Pilit kong inalala kung sino siya. Pero wala talaga. Naguumpisa ng sumakit ang ulo ko.

"Hindi din kita kilala. Sino ba kayo?" bakit ba gusto nila akong pilitin na maalala ko sila? Alam kong nasasaktan ko yung Dea. Nararamdaman ko. Kaya nalilito ako. Buti nalang nagsalita na yung lalaki.

"Ganun ba? Sige magpahinga ka na muna. Tawagin mo nalang kami kapag may kailangan ka." he said then nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Dea at sabay silang lumabas ng kwarto ko. Wala sa sariling naikuyom ko ang mga kamay ko at nagtatagis ang bagang ko. Bakit ako nakakaramdam ng galit? Bakit parang gusto kong paghiwalayin silang dalawa? Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Nang magtagumpay ako nahiga ako at pumikit.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon