CHAPTER 20

1.4K 30 0
                                    

AIDEA POV

Matapos kaming kumain hinatid na niya ako sa guest room. Nang makapasok ako naupo ako sa kama. Naalala ko yung pinagusapan namin kanina.

FLASHBACK

Parang matutunaw yung puso ko nung marinig ko yun. Nagtatalo ang isip at puso ko. Hindi ko na alam kung anong nangyari sakin basta ang alam ko nilapit ko yung mukha ko sa kanya at walang sabi sabi na hinalikan ko siya sa pisngi. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Kahit naman ako pero hindi ko yun pinagsisihan. Nang makabawi siya sa pagkagulat ngitian niya ako. Hindi ko na siya hinayaang maapagsalita basta nalang ako tumayo at naglakad. Tahimik lang siya sa unahan ko habang hinahatid ako sa guest room. Nang nasa tapat na kami agad akong pumasok sa loob.

End of  flashback

Napangiti ako ng maalala yung ginawa ko kanina. Susubukan kong buksan ulit yung puso ko para sayo. Sana lang talaga makapaghintay ka. Alam kong may puwang ka parin sa puso ko. Napatingin ako sa damit na nasa tabi ko. Kinuha ko yun at sinuri. Pajama at puting tshirt yun. Nang buklatin ko yun nahulog yung panty at bra. Napansin kong hindi sila terno. Unti unting sumilay yung ngiti sa mga labi ko. Im sure hindi ito nakatingin habang kinukuha ang mga ito. Napailing nalang ako at tumayo para magshower. Nagpapatuyo ako ng bukok ng may kumatok sa pinto ko. Tumayo ako para buksan yun. Nakita ko si yaya na nasa harap ng pinto at may dalang isang baso ng gatas. Nakangiti ko yung kinuha.

"Pinapabigay ni sir. Inumin niyo daw po para makatulog kayo ng maayos. Hindi po sa nakikialam ako pero sa tagal kong naninilbihan sa pamilyang reyes, ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti ng totoo. At alam kong dahil yun sayo." sabi sakin ng yaya. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Isasarado ko na sana yung pinto ng may maalala ako.

"Ate, sabi niyo po ngayon niyo lang siya ulit nakitang ngumiti? So kelan po yung una?" takang tanong ko. Ngumiti ito saka nagsalita.

"Nung nabalitaan niya po na bumalik na kayo. Aksidente ko po siyang nakita." she said. So ganun siya kasaya na magbalik na ako? Nagpasalamat na ako at isinara ang pinto. Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ininum ko na yung gatas. Kinuha ko yung phone ko at nagtype.

Salamat sa gatas.
Goodnight.

Send..

After ko masend yun nahiga na ako sa kama. Napatingin ako sa phone ko ng tumunog yun.

Your welcome.
Sweet dreams.

Napangiti ako sa nereply niya. Akala ko dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko hindi na ako makakaramdam ulit ng ganito. Nahiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Ivan, kamusta kana? Please lang gumising ka na miss na miss na kita. Biglang tumunog ulit yung phone ko akala ko si Cloud kaya hindi ko na tiningnan kung sino.

"Hello?" walang gana kong sagot. Mabilis kong inalayo yung telepono sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw sa kabilang linya. Tiningnan ko kung sino yun. Si Laureen? God. Agad kong nilapit sa tenga ko yung phone at nagsalita.

"Hello, laureen? Nasaan ka? Nabalitaan mo na ba yung nangyari kay Ivan?" kinakabahan kong tanong. Kailangan niyang malaman yun. Kahit matagal na silatng hiwalay mahal parin naman nito ang kaibigan niya.

"Yes. Nagpabook na ako ng ticket papunta dyan. Im here in london. Sige tumawag lang ako para mainform kita. See you soon bye."she said.

"Okay. Bye." pinatay ko na yung telepono at umayos ng higa. Dahil sa pagod nakatulog agad ako.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko ng may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko. Nang maimulat ko yun mabilis pa sa alas kwatro na lumayo ako at dahil sa sobrang gulat nahulog ako sa kama. Shit!!!

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon