CHAPTER 14

1.4K 19 0
                                    

AIDEA POV

Nakakatatlong folder palang ako ng biglang may kumatok sa pinto ng opisina ko.

"Come in!" sigaw ko mula sa loob ng opisina. Nagbukas naman ang pinto at iniluwa non ang secretary ko. Nagangat ako ng tingin at tinaas ang kilay.

"May kailangan ka?" tanong ko sa kanya. Shs cleared her throat then said.

"Ma'am Aidea may gusto po kasing kumausap sainyo. Sinabi ko na po na busy kayo pero nagpupumilit." she said. Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Okay. Papasukin mo na" I said. Agad nitong niluwagan ang pinto at pumasok ang isang lalaki na hanggat maari hindi niya gustong makita. Nagbaba siya ng tingin at sinabihan ang secretary niya.

"You can leave now" I said. Tumalima naman ito. Kinausap niya ito ng hindi tinitingnan.

"Have a sit Mr. Reyes. What do you need?" tanong ko na hindi parin tumitingin.

"Ang pormal mo naman" he said. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. Shit. Mas lalo ata siyang gumwapo. Binaba ko ang tingin ko at nagsalita.

"Im busy. Kung may sasabihin ka sabihin mo na." inporma ko sa kanya.

"About sa proposal." he said. Ah, yun pala. Tiniklop ko yung folder at hinarap ito.

"Napirmahan ko na yun. Ano pa ang kailangan mo?" totoo naman. Ano pa ang gusto nito? Kahit may hinala na ako.

"Hindi na ba kailangan pagusapan?" nakakunot noong tanong nito.

"Common Mr. Reyes. Alam kong hindi yan ang pinunta mo dito." sabi ko habang nakahalukipkip. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"Hindi ka parin nagbabago masungit ka parin" he said. Itinirik ko ang mga ko at hinarap siya.

"Common, ano ba talaga ang kailangan mo? Sinasayang mo ang oras ko." mariin kong sabi sa kanya. Totoo naman marami pa akong gagawin. Kung iniisip nito na siya parin ang dating Dea na handang masaktan para sa kanya. Pwes hindi na ngayon. Hindi na niya hahayaan na masaktan ulit. Kapag minahal mo ang isang Cloud siguradong masasaktan ka lang. Kaya hanggat maaari maglalagay siya ng distansiya sa gitna nilang dalawa.

"We need to talk. About us." I chuckled when I heared it. Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Walang tayo. Mr. Reyes." mariin kong sabi sa kanya. Tumalim ang mga mata niya.

"Umalis ka ng hindi nagpapaalam sakin." he said. Nagpapatawa ba ito?

"Hindi ko obligasyon na magpaalam sayo." pinagdiinan ko talaga yun. Tumaas ang sulok ng labi nito.

"Sa pagkakaalam ko kasi mahal kita noon at mahal mo rin ak-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. How dare he?

"Noon. So it means past. Mr. Reyes, kung yan lang pinunta mo dito makakaalis ka na." sabi ko sa kanya at binalik ang atensyon ko sa folder kailangan ko tong matapos. Bahala siya.

"Dont call me like that" he said. Napapikit ako ng mariin. Anong mali doon?

"Cloud, past is past. So please. Stop. Oo minahal kita, noon yun. At kung iniisip mo na maibabalik pa yun, sorry, pero malabo ng mangyari yun."deretsong sabi ko sa kanya. Huminga ito ng malalim. Tila nagpipigil ng galit.

"Okay. Kung yan ang gusto mo. Ikaw ang bahala. Pero hindi ako susuko. Matagal ko tong hinintay. Ang makita ka ulit. Kaya gagawin ko ang lahat para mahalin mo lang ako ulit kagaya ng dati. Hindi ako susuko sayo. Kahit pahirapan mo pa ako."seryosong sabi nito. Binaba ko ang tingin ko dahil hindi ko kayang salubungin yun. Magsasalita na sana ako ng tumunog ang phone nito.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon