CHAPTER 30

1.4K 20 0
                                    

AIDEA POV

Baksak ang balikat na naupo ako sa kama. Kagagaling ko lang sa bahay nila Ivan kanina para kamustahin ito. Pero katulong lang ang nadatnan ko. Sinabing nasa baguio daw ito para magbakasyon. Ayos lang naman sakin yun. Atleast, makakapag pahinga siya ng maayos. Sana pagbalik niya tuluyan na itong magaling. Napatingin naman ako sa phone ko ng tumunog yun. Sino naman ang tatawag sakin ng ganitong dis-oras ng gabi? Tiningnan ko kung sino yun. Shit. Si Cloud.!! Nakalimutan ko. Mabilis kong pinindot yun at sinagot ang tawag.

"Hello, cloud? Im sorry, nakalimutan ko. Kararating ko lang kasi." kagat labi kong sabi.

"Its okay, pwede ka bang bumaba?" tanong nito. Nagtatakang naglakad ako sa bintana. There nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya. Nakangiti ito habang kumakaway sa kanya. Ngumiti ako at mabilis na bumaba.

"Hey, Im sorry, nakalimutan ko." sabi ko sa kanya. Ngumiti naman ito at lumapit sakin para yakapin ako. Niyakap ko din siya.

"Ayos ka lang ba.?" nagaalalang tanong ko sa kanya.

"Yeah, Im fine." he said. Kinalas ko yung yakap niya at tinitigan siya.

"Gusto mo bang pumasok muna? Para makapagpahinga ka sandali?" aya ko sa kanya. Marahan naman itong umiling.

"Nagpunta lang talaga ako dito para icheck kung nakauwi ka na. Kamusta ang lakad mo?" tanong nito. Huminga ako ng malalim.

"Wala na siya. I mean, nagbakasyon. Mas mabuti na yun para mas gumaling na siya ng tuluyan." nakangiti kong sabi sa kanya. Tinitigan niya ako ng seryoso.

"Okay ka lang ba?" he asked. Ayokong magsinungaling sa kanya kaya sinabi ko ang totoo.

"No. But ngayon lang naman to. Kailangan ko lang sigurong magadjust." I said. Huminga naman ito ng malalim bago masuyo akong niyakap at hinalikan sa noo.

"Magpahinga ka na. Go to your office tommorow." he said. Kahit naguguluhan tumango nalang ako. Ngumiti siya at sumakay na sa kotse. Binaba niya yung bintana at nagsalita.

"Good night." he said.

"Good night din." tapos pinaandar na niya yung sasakyan. Nakangiting pumasok ako sa loob ng gate. Bago pa ako makapasok sa loob ng pinto naabutan ko si kuya na nakasandal doon at nakatingin sakin. Lumapit ito at iginiya ako paupo sa hagdan ng pinto.

"Masaya ka ba sa kanya.?" tanong ni kuya. I chuckled. Napatingin naman siya sakin.

"What.?" he asked.

"Nothing. May naalala lang ako. Hay.. Sa totoo lang, hindi ko akalain na mangyayari pa to. Nung umalis ako dito, sabi ko sa sarili ko hindi na ako iibig ulit. Pero tingnan mo ngayon, kinain ko din yung sinabi ko." natatawang sabi ko.

"Yeah, so? Mahal mo talaga siya?" tanong nito. Huminga ako ng malalim.

"Yes kuya. Bakit? Ayaw mo ba sa kanya?" kinakabahan kong tanong. Umiwas siya ng tingin sakin at huminga ng malalim.

"Noong una oo. Kasi sinaktan niya ang babaeng iniingatan ko. Yung nagiisang prinsesa sa buhay at puso ko." he said. Tumingin siya sakin at nagpatuloy.

"Nagalit ako sa sarili ko. Lalo na nung nakita kitang umiiyak. Sabi ko, ako yung kuya na dapat magaalaga at magtatanggol sayo pero hindi ko nagawa. Pero isang araw bigla ko nalang narealize na minsan kailangan mong masaktan, para malaman mo kung ano ang kahalagahan ng isang bagay at para matuto ksng tumayo sa sarili mong paa.." seryosong sabi sakin ni kuya. Napatitig ako sa kanya. Si kuya ba talaga to?

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon