CHAPTER 17

1.3K 23 1
                                    

CLOUD POV

Nagising ako sa liwanag na nanggagaling pala sa bintana. Sino ang naghawi sa kurtina? Siguradong sinara niya yun kagabi. Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong nakitang tao. Hanggang sa bumukas yung pinto at iniluwal nun ang kapatid ko. May dala itong paper bag na alam kong pagkain dahil sa nakasulat sa lalagyan.

"Gising ka na pala kuya. Hindi na kita ginising ang himbing kasi ng tulog mo eh." sabi nito. Marahan lang akong tumango sa kanya. Tiningman ko si mama. Sabi ng doktor okay naman na daw ang mama niya. Pero kailangan pa daw obserbahan ito dahil may nakita sila na mali sa paghinga nito. Huminga siya ng malalim. kagabi pa siya nagdasasal na sana maging maayos na ang mama niya. Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama dito. Napatingin siya sa kapatid na nagaayos ng almusal nila. Tumayo siya para tulungan ito.

"Hindi ka ba papasok?" tanong ko sa kanya.

"Hindi muna kuya. Nagdayoff kasi si aling ising kaya ako ang pupunta sa grocery ngayon." paliwanag nito. Tumango nalang ako sa kanya bilang tugon. Napatingin ako kay mama ng bigla itong umungol. Mabilis akong naglakad papalapit sa kanya.

"Mama? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" agad kong tanong sa kanya.

"Wala. Narinig ko lang kayo kaya nagmulat na ako." ngumiti ako sa kanya.

"Ganun ba? Aalalayan ko na po kayong tumayo para makakain na kayo." nakangiti kong sabi kay mama. Kinuha ko yung pagkain sa maliit na mesa at sinubuan si mama.

"Nga pala anak, bakit hindi ko na nakita si Dea kahapon?" tanong nito. Huminga ako ng malalim. Hindi ko din alam kung bakit.

"May kinailangan pa po kasi siyang gawin kaya hindi na siya nakapagpaalam sa inyo." singit naman ng kapatid ko. Napatingin ako kay mama ng hawakan niya ang kamay ko.

"Kamusta naman kayo anak?" malumanay na tanong ni mama sakin.

"Palagi niya po akong iniiwasan. Hindi ko po alam kung bakit. Nalilito narin po ako pero diba sabi niyo, lahat ng bagay hindi minamadali? Lahat ng bagay inuunti unti." I said. Huminga ng malalim si mama at niyakap ako.

"Wag kang magalala anak, darating ang araw na malalampasan mo rin ito. Lakasan mo lang yung loob mo." sabi niya sakin habang hinahaplos yung likod ko. Kinagat ko yung labi ko para sana pigilan ang luha ko pero hindi ako nagtagumpay. Hinayaan ko nalang tumulo yun sa pisngi ko. Kahit ngayon lang hahayaan ko ang sarili ko na umiyak. Ang hirap pala talaga magtago ng nararamdaman. Mayamaya huminto na ako.

"Mama. Aalis na muna ako. At ikaw kuya tama na yang kadramahan mo hindi bagay sayo." sabi nito. Binato ko siya ng tissue. Kaso bago siya tamaan nakalabas na siya. Napapailing nalang ako sa kakulitan ng kapatid ko.

AIDEA POV

Dumaan muna ako sa grocery store para bumili ng prutas mas makakabuti kasi yun para kay tita. Habang tinutulak ko yung cart hinahanap ko naman yung lugar kung nasaan yung prutasan nang may mahagip yung mga mata ko. Its Aisa. Mabilis kong kinuha yung mga prutas at tinulak yung cart palapit sa kanya.

"Hey, namimili karin?" tanong ko sa kanya. Medyo nagulat siya kasi napaatras siya.

"Ginulat mo ako ate." natatawang sabi nito. Napatingin ito sa cart ko.

"Prutas. Eh ano yan?" turo niya sa paper bag na nasa cart ko.

"Ah, nagluto kasi ako. Masyadong marami kaya naisipan kong magdala kay tita. Tapus ayun bumili narin ako ng prutas." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ganun ba? Sige sabay na tayo babayaran ko lang to." sabi niya. Tumango ako sa kanya at nagpunta sa likod nito para pumila. Ilang sandali lang natapos na din kami.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon