CHAPTER 13

1.5K 24 0
                                    

AIDEA POV

Pagkapasok ko sa kwarto ko agad akong humiga sa kama ko. Bakit ganun siya magsalita? Iiwan na ba niya ako? Pagod na ba siya sakin? I sighed. Ano pa ba ang ineexpect mo Dea? Sorry kung nasasaktan ka na ng dahil sakin. Nagiging selfish na ako. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon. Kinuha ko yun at binasa. Mas lalo akong napaiyak ng mabasa ko yun. Sorry Ivan. Siguro nga oras na para pakawalan kita. Sobra na kitang nasasaktan. Sorry dahil hindi ko kayang ibigay yung pagmamahal na gusto mo mula sakin. Kasalanan ko kasi pumayag ako na mahalin mo ako kahit mahirap sayo. Alam mong hindi kita pinilit. Pero pumayag parin ako. Sorry. Nahiga na ako sa kama para matulog. Balak kong magbake ng cookies para sa kanya tapos maaga akong aalis.

Maaga akong nagising kinaumagahan. Naunahan ko pa ang alarm clock ko. Tumayo na ako para maligo at magayos. Nagsuot lang ako ng jeans at black sando pinatungan ko yun ng black top. Mas kumpartable kasi ako sa ganun. Nagsuot ako ng heels na hindi gaanong kataasan. Nagmake up din ako pero light lang. Nang matapos ako nagpunta na agad ako sa kusina at nagbake. Hindi naman ganun katagalan kaya natapos din ako. Nilagay ko yun sa plato tapos naglagay din ako sa tupper ware para kung gusto niya. Nagiwan lang ako ng note sa ibabaw nun at umalis na. Sumakay ako sa kotse ko at nagtungo sa starbucks. Dito na ako magaalmusal. Nang makapagorder ako kinuha ko yung phone ko at tinawagan ang secretary ko. For now, ako muna ang mamamahala sa kumpanya dito sa pilipinas.

"Yes ma'am Dea?" sagot nito sa tawag ko.

"Papasok na ako ngayon. Ayusin mo ang schedule ko. May mga appointments ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Wait a minute ma'am." she said. Ilang sandali pa nagsalita na ulit ito.

"Ma'am. May meeting po kayo ngayon. Nine am. Ang sunod naman po ay one pm. May mga kailangan din po kayong pirmahan nasa table na po ninyo." inporma nito sakin.

"Okay. On the way na ako." sagot ko sa kanya at pinatay na yung tawag. Tinapos ko na yung pagkain ko at lumabas na ng starbucks. Ilang minuto lang nakarating na ako sa kumpanya. Pinark ko na yung sasakyan ko at dumeretso sa elavator papunta sa opisina ko. Saktong pagkalabas ko ng elevator naghihintay na sakin ang sekretarya ko. Ngumiti ako sa kanya at sabay kaming pumasok sa loob. Naupo ako sa swivel chair at sumandal. Napangiti ako.

"Namiss ko to" wala sariling sambit ko.

"Matagal din po kasi kayong nawala." sabi nito.

"By the way ayos na ba ang lahat?" tanong ko sa kanya.

"Yes ma'am. Tatawagin ko nalang kayo kapag dumating na sila." sabi nito. Tumango ako at sinimulan ko ng ayusin ang kakailanganin ko sa meeting.

IVAN POV

Nagising akong masakit ang ulo dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Bumangon na ako nang maalala kong nagkatampuhan kami ni Dea kagabi. Mabilis akong naghilamos at inayos ang sarili. Nang matapos ako nagpunta kaagad ako sa kwarto nito at kumatok. Nakakailang katok na ako pero wala paring nagbubukas kaya pinihit ko na yung doorknob.

"Dea? Andyan ka pa ba?" tanong ko. Pero walang sumagot. Tuluyan na akong pumasok sa loob pero walang Dea. Saan kaya ito nagpunta? Lumabas na ako at nagtungo sa kusina. May nakita akong cookies sa ibabaw ng mesa. May nakita din akong note.

Ivan, may pupuntahan
Lang ako.
Kung papasok ka
Sa opisina mo baunin mo yang cookies na nasa tupper ware.

Ingat.

Matapos kong basahin yun kumuha ako ng cookies sa plato at tinikman yun. Napangiti ako sa lasa nito. Masarap talaga siya magbake. Kinuha ko yung phone ko at tinext siya.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon