CHAPTER 5

1.9K 25 0
                                    

AIDEO POV

I was about to call my sister Dea nang magbago ang isip ko. I need to talk to her about the meeting yesterday. Hindi kasi ako nakadalo sa meeting na yun dahil may iba akong inasikaso. Paglabas ko ng opisina ko nakita ko na ang kapatid ko tatawagin ko na sana siya ng may mapansin ako. May kasama siya. Tinitigan kong mabuti kung sino yun. Hanggang sa makilala ko siya. Its Ivan ramirez. Anong ginagawa niya dito? Tinitigan ko silang dalawa ng masama. Walang kaso sakin kung may kasama si Dea na lalaki pero base nakikita ko sabay silang pumasok. Isa pa malakas ang pakiramdam ko. At higit sa lahat mahigpit kong pinagbabawal ang lalaki sa init niya. Ako lang. Common sense kapatid ko siya. Nang makita ako ng magaling kung kapatid natulala siya sakin hindi agad siya nakapagreact. Bakit ko alam? Ugali na niya kapag nagkikita kami kung hindi niya ako iirapan, ngingisihan niya ako. Pero wala ni isa sa mga yun ang lumabas. Nilipat ko ang tingin ko kay Ivan. Nakangiti lang ang loko. Nanlalaki ang mga mata ni Dea na nakatingin kay Ivan. Nagsalita na ako.

"Come with me." utos ko sa lalaking yun. Tumalikod na ako at pumasok sa opisina ko. Saktong pagkaupo ko sa swivel chair bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok si Ivan. Kampante itong umupo sa visitor's chair. Sumandal ako sa upuan ko at humalukipkip at tinitigan ko siya.

"What are you doing here?" I asked. Tumingin siya sakin bago nagsalita.

"Nagbabakasyon."kampante niyang sagot.

"Saan ka tumutuloy? Mariin kong tanong sa kanya. Nagbaba siya ng tingin at huminga ng malalim.

"In Dea's condo." he said. Napatango nalang ako. Hindi na ako nagulat. Kahit alam ko na gusto ko parin itong itanong kaya yun ang ginawa ko.

"Mahal mo pa ang kapatid ko diba?" I asked. Nginisihan ko siya. Napakunot naman ang noo niya.

"Yeah, why?" sagot niya. Kahit hindi sinabi sakin ng kapatid ko na naging sila alam ko. I have my ways. Kuya niya ako. At tungkulin kong bantayan siya.

"Minahal ka niya diba?" mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil natulala siya.

"Nagtataka ka kung bakit ko alam? Let me remind you, Im her brother. Kaya alam ko dapat ang lahat pagdating sa kapatid ko. Siguro nagtataka ka dahil hindi naman sinabi ni Dea na naging boyfriend ka niya. Its means hindi mo pa talaga siya kilala or hindi ka niya ganun kamahal." paliwanag ko sa kanya.  nagpapakilala lang ng lalaki si Dea kung talagang mahal niya at seryoso na siya.

"What do you mean?" takang tanong niya. Napailing nalang ako at sinabi ang nasa utak ko kanina.

"Hindi basta basta nagpapakilala ang kapatid ko ng lalaki. Ipapakilala niya lang ito sa amin kapag seryoso na siya o kaya sigurado na siya na mahal niya ito. Ayaw niya kasi ng napapahiya sa amin. At higit sa lahat doon niya naipaparamdam kung gaano niya kamahal ito." paliwanag ko sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang sakit. Napailing nalang ako. Mukhang mahal niya parin ang kapatid ko. I sighed.

"Wag kang magalit sa kanya. Alam kung alam mo na minahal ka niya. Nakikita ko yun sa maga mata niya noon. Kahit hindi niya sabihin alam ko. Were twins." I said.

"Really? Tss. I know. Naramdaman ko naman yun." he said. Pero ramdam ko yung bigat na nararamdaman niya.

"By the way. Kaya kita pinapunta dito para paalalahanan." kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Okay lang na sa condo ka ng kapatid ko tumuloy. Ipangako mo lang na wala kang gagawing masama sa kapatid ko." mariin kong sabi sa kanya. Makakatikim talaga siya sakin. Mahina itong tumawa bago sumagot.

"Kahit wala na kami ng kapatid mo aaminin kong hanggang ngayon mahal ko parin siya. Hindi naman kasi ganun kadali ang makalimut. Sinikap kong layuan siya. Okay na sakin yung sa phone lang kami magkausap kasi kapag nakita ko siya alam kong tatakbo agad ako sa Airport palipad dito sa canada. Kaya tiniis ko. Pero habang tumatagal naisip ko na hindi ko pala talaga kaya. Hindi ko kayang wala siya sa tabi ko. Araw araw hinihiling ko sa diyos na sana ako nalang ulit. Kasi kapag ako ang pinili niya gagawin ko lahat ng makakaya ko mapasaya ko lang siya. Kung kinakailangan kong gumising ng maaga araw araw para ihanda ang mga kailangan niya gagawin ko. Kung kinakailangan kong magaral ng culinary para makagawa ng masarap na pagakin niya araw araw gagawin ko. Ganun ko kamahal ang kapatid mo." nahinga ako ng malalim. Kung ako lang ang masusunod siya na ang nararapat para sa kapatid ko. Pero ayokong pangunahan ang kapatid ko. May sarili na siyang isip at disisyon. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na ngayon ay nakatagilid ng kaunti. Alam kong umiiyak siya. Tss.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon