CHAPTER 15

1.5K 22 0
                                    

AIDEA POV

Lumabas kami ni Aisa ng ospital. Sinusundan ko lang siya hanggang sa namalayan ko nalang na nasa garden na kami ng ospital. Maganda at malinis marami rami ring mga pasyente ang nakatambay dito. Umupo kami ni Aisa sa bakanteng bench. Tahimik lang kaming kumakain. Ilang saglit pa binasag na nito ang katahimikan.

"Ate, ang tagal na din simula ng umalis ka. Naaalala ko pa noon na palagi kang nagpupunta sa bahay. Nagtaka nga ako ng hindi kana bumalik. Tinatanong ko si kuya pero hindi naman niya ako sinasagot." malungkot na sabi nito. I sighed. I dont know how to explain.

"Sorry, may mga bagay kasi na hindi ko inaasahang mangyari." dahilan ko sa kanya. Hanggat maaari ayoko ng balikan ang nakaraan pero mukhang wala siyang takas ngayon.

"Alam mo ba ang nangyari kay kuya simula ng mawala ka?" tanong nito. Kumunot ang noo ko. Wala kasi akong idea.

"Wala. Bakit may nangyari bang masama sa kanya?" takang tanong ko. Pilit ang ngiti niya ng humarap sakin.

"Oo. Noong mga panahon na yun halos sirain niya ang sarili niya. Hindi na siya pumapasok sa school. Napapabayaan narin niya yung trabaho niya sa bar. Walang araw din na hindi siya lasing. Magpapalipas lang siya ng hangover tapos kapag okay na siya iinom na naman ulit siya. Palaging ganoon ang eksena sa bahay. Wala naman kaming magawa ni mama dahil kahit anong paliwanag namin hindi siya nakikinig." napansin kong namumula yung mga mata niya. Pinipigilan niya ang pagiyak. Huminga ako ng malalim.

"Sorry, hindi ko alam na ganun pala siya kaapektado sa pagalis ko." pagamin ko. Hindi makapaniwala niya akong tiningnan.

"Alam kong hindi ka bulag. Alam kong hindi ka din manhid. Kaya alam kong alam mo na mahal ka parin ni kuya hanggang ngayon." she said. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Ayokong pagusapan to pero wala na akong kawala.

"Aisa. Hindi ganun kadali yun. Oo mahal niya ako pero hindi ko kaya. Natatakot na akong magmahal ulit. Masyado akong natrauma ng mga panahon nayun. Im sorry to say this but mas malala at mahirap ang pinagdaanan ko. Kung wala sa tabi ko ang isang taong yun baka natuluyan na ako." paliwanag ko sa kaniya. Naguguluhan niya akong tiningnan. Naiintindihan ko ang gusto niyang iparating. Nais niyang sabihin ko ang lahat. Huminga ako ng malalim at sinariwa ang nakaraan.

Flashback
6 years ago

Tulala ako habang naglalakad papunta sa room ko. Kadarating ko lang dito sa canada. Napatingin ako sa lalaking nagsasalita hindi ko maintindihan kung ano man ang sinasabi niya. Para akong nakalutang sa ere. Nang buksan niya ang pinto agad akong pumasok doon at sinara ang pinto. Nilagay ko yung maleta ko sa gilid ng sofa. Marahan akong umupo at sumandal. Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Simula ng mangyari yun palagi na itong nangyayari. Basta nalang tutulo ang luha ko nang walang pasabi. Mararamdaman ko nalang na naguunahan na sila sa pagbaksak. Pinunasan ko yun at tumayo. Naglakad ako papunta sa kusina para uminom ng tubig. Nang buksan ko yun kompleto ang laman nun. Talagang pinaghandaan ni kuya ang pagpunta ko dito. Napatingin ako sa beer na nasa bandang baba ng ref. Wala sa sariling kinuha ko yun at binuksan. Bumalik ako sa sofa para maupo. Pakiramdam ko babaksak ako. Nanghihina ang mga tuhod ko. Napatingin ako sa phone ko. Kinuha ko yun at binasa.

My princess,
Kamusta ang byahe mo?
By the way, lahat ng
Kailangan mo nandyan na.
Every week may pupunta dyan para maglinis ng unit mo.
Enjoy your vacation.

After kong basahin yung text ni kuya nilagok ko yung beer na hawak ko. Tumulo ulit yung luha ko. Shit. Kelan niyo ba balak tumigil? Kahit anong pilit kong alisin sa isip ko yung nangyari hindi ko maiwasan. Kusa yung bumabalik sa utak ko na parang sirang plaka. Masokista na ata ako. Tama naman yung ginawa ko diba? Sa tanang buhay ko kasi ngayon ko lang nakita si Cris na ganun kasaya. Yung kahit mapupunitna yung labi niya sa kakangiti wala itong pakialam. Naalala ko yung araw na nakita ko silang magkasama. Parang piniga yung puso ko. Hindi ako makahinga. Tumayo ako at kumuha ulit ng beer sa ref. Dinampot ko lahat yun at nilagay sa mini table. Hindi ko namalayan na naubus ko na pala yung beer. Kaya pala nahihilo na ako. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon