CHAPTER 8

1.7K 25 0
                                    

AUTHORS NOTE

Natapos din mag update!! Sana nagustuhan niyo.

May lovelife na si Aideo. !!!

Bagay naman sila diba?

Okay. Next chapter na ako.!!

AIDEA POV

Inunat ko muna yung mga braso ko nangangalay na kasi kakapindot sa keyboard ng computer ko. Inabot ko yung huling folder sa mesa ko ng hindi ko yun makapa. Kaya nilingon ko yun. Nasaan na yun? Agad kong tinawagan yung secretary ko at tinanong kung nasaan yung folder. Ilang minuto lang pumasok na siya ng opisina ko.

"Ma'am Dea. Sorry. Nasama ata sa mga ipinasa ko kanina kay sir Deo. Pumunta ako sa opisina niya kaya lang sabi ng secretary niya umuwi daw sa unit niya." paliwanag niya. Napakunot naman ang noo ko. Umuwi? hindi naman umuuwi yun kapag oras ng trabaho. Isa pa wala naman siyang kasama dun. Biglang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa.

"Hello, Ivan?" sagot ko sa tawag niya

"Hello? Dea? Sorry hindi na ako makakasabay sayo sa lunch. May pupuntahan lang ako saglit." sabi niya sa kabilang linya. Ano naman kaya yun? Well. Baka mamamasyal.

"Okay lang. Enjoy" I said then binaba ko na yung tawag niya. Inayos ko yung gamit ko bago ko hinarap yung secretary ko.

"Its okay. Pupuntahan ko nalang siya sa unit niya." I said. Tumango lang siya. Ako naman tumayo na at naglakad papunta sa parking lot. Hindi naman masyadong malayo ang unit niya mula sa opisina kaya nakarating agad ako. Nang makababa ako sa kotse ko agad akong pumasok sa elavator at pinindot ang 6th floor. Ilang minuto lang huminto na ito at naglakad na ako palabas at mabilis na tinungo ang unit niya. Nang nasa tapat na ako hindi na ako kumatok dahil alam ko naman ang code. Nang makapasok ako napansin ko agad na ang linis ng unit niya. May house keeping na ba si kuya? Naglakad ako papunta sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. Nang matapos akong uminom saktong pagkaharap ko may nakita akong tao na sa tanang buhay ko hindi ko inaasahang makikita ko ngayon dito sa mismong harap ko. Hindi ko namalayan na nabitawan ko na yung baso. Mabilis akong nakarinig ng mga yabag papunta sa dereksyon namin.

"Cris! Anong nangyari?? Bakit may narinig akong---" sunod sunod na tanong ni kuya. Napatingin siya sa gawi ko. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"D-dea? A-anong g-ginagawa mo dito?" nauutal na sabi ni kuya.

"A-anong i-ibig sabihin nito? B-bakit kayo m-magkasama?" hindi ako makapaniwala. Ano to? Matagal na ba niyang tinatago si Cris dito? Ilang minuto pa bago nagsalita Cris.

"Dea. Hayaan mo muna ako magpaliwanag please. Kung ano man ang iniisip mo tungkol samin ng kuya mo mali yun." natatarantang sabi niya. Mali? Wait nagugulahan ako. Higit dun masyado akong nabigla. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Okay. Siguro nextime. Aalis na muna ako." sabi ko at naglakad na palabas ng unit ni kuya. Pero bago ko magawa ang bagay na yun nahila na ako ni kuya papasok ulit sa unit niya at dinala ako sa loob ng kwarto niya. Tinitigan niya ako ng mabuti bago nagsalita.

"Dea. Mali ang iniisip mo. Nandito siya dahil pansamantala ko siyang pinatira dito para sa pakay niya." he said. Hindi ko parin maintindihan. Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya.

"Nandito siya para kausapin ka. Naunahan mo lang siya. Plano niya na kausapin ka bukas kaya lang nandito kana." he said. Totoo ba?

"Bakit hindi niya nalang niya ako tinawagan?" I asked. He sighed.

"Hindi niya kasi alam kung paano ka kakausapin. Nakalimutan mo na ba? 6years kayong nagkalayo." kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi. Naramdaman ko nalang na yakap na ako ni kuya.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon