CHAPTER 28

1.3K 19 0
                                    

AUTHOR'S NOTE

Hayy..  Sa wakas natapos din.!!!

Drain ako dito..

Finally, malapit na to matapos.
Enjoy reading..

CRIS POV

Ilang linggo na ang nakalipas pero shock parin ako sa nangyari sa bar. Nagaalala ako ngayon para kay Dea. Alam kong hindi biro yung pinagdadaanan niya ngayon. Kaya kailangan ko tong gawin. Para rin naman sa kanya to. Kinuha ko yung phone ko sa bag at dinial ang numero ni Laureen. Kinuha ko yun nang aksidente niyang maiwan yung phone niya. Ilang ring din ang lumipas bago nito nasagot yung tawag.

"Hello? Sino to.?" tanong niya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Hello, si Cris to. Kaibigan ni Dea. Ahm, gusto sana kitang makausap.?" I asked. Ilang sandali pa bago siya ulit nagsalita.

"Ah, okay. Pakitext nalang yung address." she said. Nang matapos yung tawag agad kong tinext sa kanya yung address. Nagsimula na ako magayos at mabilis na lumabas ng bahay. Nang makarating ako agad din akong pumasok sa loob ng coffee shop. Habang naghihintay umorder muna ako ng chocolate float. Ilang sandali pa may nakita akong babae na pumasok sa loob at tila may hinahanap. Tinaas ko ang kamay ko para makita niya ako. Nang makalapit siya agad akong ngumiti.

"Hi Im Cris by the way, are you Laureen.?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman agad ito at naupo sa harap ko.

"Yes. Ikaw si Cris?" she asked too.

"Yes. Sorry naabala ba kita?" nahihiyang tanong ko.

"Not really, mukhang importante ang paguusapan natin ah." nakangiting sabi nito.

"Gusto mo omorder? Sagot ko." I said. Tumango naman ito. Huminga ako ng malalim.

"Actually, kaya kita pinapunta dito may sasabihin ako tungkol kay Dea at Ivan." pagkasabi ko nun bakas sa mukha nito ang gulat. Hindi na ako nagtaka.

"Anong tungkol sa kanila.?" takang tanong nito.

"Gusto ko sanang ilayo mo muna si Ivan kay Dea. I know, wala akong karapatan na sabihin to sayo. Pero naaawa na ako sa bestfriend ko. Kahit hindi niya sabihin alam kong nasasaktan siya. Alam kong nahihirapan na siya. So please, sa ngayon, alam kong ikaw ang pakikinggan ni Ivan dahil ikaw lang ang naaalala niya." pakiusap ko sa kanya.

"Alam ko naman yun. Nakokonsensya na nga ako.  nakiusap din siya sakin na  manatili ako sa tabi niya. I think maganda yung naisip mo. Hindi ako mangangako pero susubukan ko." she said. I sighed.

"Thank you." nakangiting sabi ko. Ilang saglit pa kaming nagusap bago nagpaalam sa isat isa. Dumeretso ako sa opisina ko dahil marami pa akong gagawin. Nang makapasok ako sa loob agad kong sinara yung pinto. Napatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa likod ko. Wala sa sariling napaatras ako kaya hindi ko napansin na may paso akong matatapakan. Agad na napapikit ako sa sakit. Bago pa ako bumaksak may naramdaman na akong mga bisig na yumakap sakin. Napakapit ako sa balikat niya dahil naramdaman kong parang nanghihina yung tuhod ko.

"Are you okay?" nagaalala nitong tanong.

"No im not. Masakit." sabi ko sa kanya. Agad niya akong binuhat at nilapag sa sofa. Hinawakan niya ang paa ko na medyo namumula. Naiiling na tumayo ito at kumuha ng coldcompress sa ref. Lumuhod siya at dahan dahan na pinatong yun sa paa ko na namumula. Sana lang hindi malala ang lagay niya.

"Im sorry." he said. Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit ka ba kasi nanggugulat? At tsaka bakit ka ba nandito.?" sunod sunod kong tanong. Umiwas siya ng tingin saka nagsalita.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon