CHAPTER 1

7.4K 73 2
                                    

Aidea Point of View

Nang makarating ako sa DLC COMPANY. agad akong bumaba nang sasakyan. Pumasok na ako sa loob dahil meron akong important meeting ngayon. Habang naglalakad ako isa isa akong binati ng mga empleyado. I just smiled at them. Agad akong sinalubong ng secretary ko na si Cindy.

"Ma'am Aidea sorry po ngayon lang ako nakababa may inaasikaso pa po kasi ako." humahangos na sabi niya. Nilingon ko siya.

"Dont worry. I'm just arrived. Nasaan si kuya?" tanong ko sa kanya.

"Nasa opisina niya po"
I nodded. Alam ko nagtataka kayo nasa Canada ako pero nagtatagalog ang mga empleyado ko dahil karamihan sa kanila pilipino. Mas komportable kasi ako. Pakiramdam ko nasa pilipinas parin ako. Pumasok na kami ng elevator para puntahan si Kuya. Kakatapos ko lang magbakasyon at ngayon eh sasabak na ako sa trabaho. ayoko kasi na isipin ni kuya na wala na akong pakialam sa kompanya na iniwan samin ni Mommy at Daddy. Nang bumukas ang elevator agad akong lumabas nakasunod lang sakin si Cindy. Marahan akong kumatok sa pinto ng opisina ni kuya.

"Come in." sabi ni kuya. Agad kong binuksan ang pinto. Nagangat naman siya ng tingin. Nagulat siya ng makita ako. Agad siyang tumayo at lumapit sakin.

"You're back?" gulat na tanong sakin ni kuya. Didn't he miss me? I rolled my eyes.

"Nakabalik ka na nga. Finally. I've miss you." sabi niya sabay yakap sakin ng mahigpit. "How's your vacation?" agad niyang tanong. Tss. Atat si kuya. Hinarap ko siya saka nagsalita.

"Enough Kuya. Later na natin yan pagusapan. May meeting ako ngayon." sabi ko. Pagkasabi ko nun agad binigay sakin ni Cindy lahat ng kailangan ko. Nang tumingin ako kay Kuya nakangiti siya. Problema nito?

"Why are you smiling?" asar na tanong ko. Umiling lang siya. "I have to go. Kita tayo mamaya." he nodded then lumabas na ako at naglakad papaunta aa conference room. Pagkapasok ko nakaayos na lahat. Ako nalang ata hinihintay. Huminto ako sa harapan.

"Im sorry for being late." Tumaas ang kilay ko. Bakit parang nakakita sila nang multo?

"What?" tanong ko sa kanila. Sabay sabay naman silang umiling. Sinimulan ko ng idiscuss ang presentation ko.

Nang matapos ako sila naman ang nagsalita. Nakikinig lang ako sa kanila. Wala naman akong makitang mali. Hindi ako nagkamali ng pagpili sa mga empleyado ko. Sinabi ko na yung final na decision at lumabas na doon. Dumeretso muna ako sa opisina ko dahil may mga ilang bagay pa ako na aasikasuhin. Nilingon ko si Cindy na nakatayo sa harapan ko.

"Okay na ako Cindy. You may go. Gawin mo na ang trabaho mo. Yung bilin ko ipaalam mo agad sakin kung may mga appointment ako. Hindi katulad ng nakaraan. Maliwanag?" mariin kong sabi sa kanya. Agad naman siyang tumango. Tapos lumabas na ng pinto. Binuksan ko yung unang folder sa mesa ko. May nakasulat na CDRC. Ang weird ng pangalan ng company na to. Sino ba ang mayari nito? Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinawagan si Kuya. Out of coverage. What? Kainis. Tumayo na ako at lumabas ng opisina pupuntahan ko nalang si Kuya. Hindi na ako kumatok. Naabutan ko siyang busy sa pagbabasa. Kaya naman pala hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nagangat siya ng tingin ng makita ako.

"Oh? Tapos na ba ang meeting mo?" tanong niya sakin. Itinaas ko yung hawak kong folder. Kumunot naman ang noo niya.

"Sino ang mayari ng CDC?" mukhang alam na niya yung tinutukoy ko. Umayos siya ng upo.

"Actually, hindi ko pa siya na meet. Ayon sa information nasa pilipinas ang company na yan. Hotel and restaurant ang business nila. So it means related sa tinapos mo. At dahil merge ang kumpanya nating dalawa at yan ang forte mo sayo ko ibinigay. Nasa sayo na yan kung tatanggapin mo." seryosong sabi sakin ni kuya. Tiningnan ko yung laman ng folder. Isa sa pinakamayaman sa pilipinas. Nagtagumpay sa loob lang nang 5 taon.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon