CHAPTER 7

1.8K 30 0
                                    

AIDEA POV

Maaga akong pumasok sa opisina dahil marami akong gagawin. This few days sobrang busy ko. Sunod sunod kasi pagpasa ng mga report bawat branches at kailangan kong basahin yun. Si Ivan naman nagpunta sa kung saan pagkatapos akong ihatid sa lobby ng kumpanya. Naabutan ko ang secretary ko sa tapat ng opisina ko. Nang makita niya ako agad niya akong binati.

"Goodmorning ma'am Dea. Pasensya na po kung nandito ako may itatanong lang po sana ako." she said. Tumango ako at agad na binuksan ang pinto ng opisina ko. Umupo ako sa swivel chair at tiningnan siya. Napalunok naman siya at agad na nagsalita.

"Ah, ma'am. Itatanong ko lang po sana kung ano na yung disisyon niyo sa proposal ng kumpanyang CDRC Kailangan na daw po kasi nila ng update." she said. Nagmamadali? Tss.

"Okay. Babasahin ko ulit. Tatawagin nalang kita kapag tapos na ko." I said.

"Okay ma'am." she said. Then naglakad na siya palabas ng opisina. Nilipat ko ang tingin ko sa mga papeles na nasa gilid ng mesa ko. Hinalungkat ko yun at hinanap ang nasabing kumpanya. Nang makita ko ang hinahanap ko agad ko yung binuklat. Nagtataka kung tinitigan yung papel. Bakit parang halos pabor lahat samin ang nakasulat dito? Weird. Napaangat ako ng tingin ng may magbukas ng pinto ng opisina ko. I saw Ivan na may hawak na cup ng starbucks coffee. I smiled. He knows me a lot. Nakangiti siyang lumapit sakin at inilapag ang kape na hawak niya sa mesa ko.

"What's the problem? Bakit nakakunot ang noo mo? Ang agaga eh." he said. I sighed. Inabot ko sa kanya yung files at pinabasa yun. Nagtataka naman niyang inabot yun. Bago niya yun basahin tumingin muna siya sakin tinaasan ko lang siya ng kilay. Naiiling na binalik niya yung tingin dun sa papeles. Mayamaya yung nakangisi niyang mukha naging seryoso bigla. Anong meron?

"Bakit ganyan ang itsura mo? Kilala mo ba yung kumpanya na yan?" tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang kasi narinig yan. Si kuya Deo lang ang nakakakilala. Sabagay sa pilipinas kasi yan nakatayo.

"Ha? Ah. Oo. Sa pilipinas to. Hindi mo alam?" bakit pakiramdam ko may tinatago siya sakin? O baka naman pakiramdam ko lang yun.

"Mukha bang alam ko?" naiiritang sabi ko. Natawa naman siya. Kainis to.

"Maganda naman yung proposal. Anong balak mo?" he said. Napaisip naman ako dun. Wala namang masama kaya lang kapag tinanggap ko yun kailangan kong pumunta sa pilipinas. Tiningnan ko siya.

"Ano ba sa tingin mo? Tatanggapin ko ba?" tanong ko sa kanya. Umayos siya ng upo bago sumagot.

"Kung ako ang nasa kalagayan mo tatanggapin ko. Isa pa sabi mo nakamove on kana kay Cloud. So siguro naman kaya mo ng harapin ang pilipinas? " seryosong sabi niya. Napaisip naman ako sa mga sinabi niya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Dinama ko yung puso ko. Handa na ba akong harapin ka Cloud? Nang sabibin ko yun sa isip ko wala akong naramdaman so it means wala na. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Okay. I'll accept it." nakangiti kong sabi sa kanya. Lumawak naman yung ngiti niya. May something talaga eh. Malalaman ko din yan.

"Bakit ang lawak ng ngiti mo?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Kasi mukhang makakasama kita pauwi ng pilipinas." nakangising sabi niya. Tss. Kaya pala. Inirapan ko siya. Kinuha ko yung papeles sa kamay niya at pinirmahan yun. After kong pirmahan tinawagan ko yumg secretary ko. Ilang minuto lang pumasok na siya sa loob ng opisina ko.

"Tapos ko ng pirmahan yan. Pakisabi na pagiisipan ko pa kung kelan ako lilipad papunta sa pilipinas para makita sila." paliwanag ko sa kanya. Inabot niya yung papeles at tumango.

SHES NO LONGER A BRAT (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon