CHAPTER TWENTY-SEVEN

Start from the beginning
                                    

Pag akyat ko ay binaba ko na yung mga binigay niya sa akin hindi ko muna bubuksan dahil tinatamad pa talaga ako ngayon, umupo muna ako sa kama dahil balak ko muna hintayin yung text ni Joaquin bago ko buksan.

Busy ako sa pag aayos ng mga damit ko ng biglang tumunog ang phone ko for sure si Joaquin na yan at  hindi nga ako nagkakamali si Joaquin nga talaga.

From: Joaquin

Just got home safe, thank you see you bukas.

To: Joaquin

Good, sige na kailangan na natin mag-rest pareho.

Reply ko sa kaniya kaya naman nag ayos na muna ako bukas ko na bubuksan yung regalo niya sa akin.

Tinapos ko na ang mga damit ko para ng sa ganoon ay makatulog na 'ko. Pinilit ko wag buksan ang regalo kaya pinasok ko 'to sa cabinet ko at pansamantalang hinayan dahil bukas ko na siya bubuksan hindi naman ako excited eh.

Masaya ako ngayon sa anong dahilan wala naman kailangan ba talaga may dahilan sa lahat charot, nandito na 'ko sa first class ko, maaga akong pumasok dahil may activity kami at gusto ko rin na maaga maipasa 'to, nakaka-pressure kasi rush talaga kapag nasa college ka.

Guys tandaan niyo, stressful kapag college na kayo.

Anyway dahil nga napa aga ako nakalimutan ko na kumain ng breakfast kaya nagpaparamdam na mga alaga ko kailangan na raw nila makakain.

Yumuko na lang muna ako habang hinihintay ko mag-start ang first class ko pero habang nakapikit ako bigla ko naala yung regalo ng mama ni Jo sa akin, hindi ko pa pala siya binuksan kagabi inaantok na rin kasi ako kaya mas pinili ko matulog atsaka hindi naman yun mawawawala and also puwede  naman siya buksan kahit kailan ko gusto. Nangako rin kasi ako na ngayon ko yun bubuksan atsaka kahapon kasi stress ako sa dami at mga exam namin kaya mas pinili ko itulog kaysa ikain o gumawa ng mga bagay na boring din naman kaya itulog ko na lang talaga.

Yumuko na lang ulit ako at hinayahan na gisingin ako ng mga kasama ko rito, dahil alam ko naman mabait ako sa kanila kaya panigurado ako na gigisingin nila ako.

Subukan lang talaga nila ako hindi gisingin, sapakin ko sila akala ba nila hindi ako papakabog sa kanila ganda ba sila.

Deadma na lang sa kanila, isang oras pa talaga bago kami mag uumpisa gusto ko sana bumili ng makakain ko kaso wala naman akong close kaya no choice ako magtitiyaga ako pero bago ako yumuko ay tumayo na muna ako dahil naisipan ko muna pumunta ng cr pero palabas na ako ng makita ko ang pagdaan ni Joaquin kaya naman naglakad ako palapit at sa kaniya na lang ako magpapasa para bumili ng makakain sa canteen. Malapit na dapat ako sa kaniya ng bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

♡︎♡︎♡︎♡︎

Joaquin Point of view

Papunta ako sa faculty dahil mag aabot dapat ako ng written report namin at ang alam ko ay malapit lang si Jasmine kaya makikita ko siya alam ko naman maaga siya nabanggit niya sa 'kin yun kagabi nagka usap kami, pabalik na dapat ako at pupunta na dapat ako kay Jasmine pero gano'n na lang ang pagkagulat ko ng makita ko siya na nasa lapag at parang nawalan ata ng malay dahil namumula siya.

Kaya agad ko siya binuhatat mabilis na naglakad papunta sa clinic pinadaan naman ako ng mga tao dahil siguro alam nila na emergency, ilang minuto lang din ay nakarating na kami nakita ako ni Ms. Rivera kaya agad siya lumapit sa akin.

"What happen sa kaniya Mr. Fernandez?" Tanong niya.

"Nahimatay po ata Ms. Rivera," natatarantang kung sagot.

"Sige na ipasok mo na sa loob para maayos natin siya, I mean magamot." Sabi niya pa.

Wala na akong sinabi pa kaya naman dumeretsyo na ako at hiniga siya sa loob.

"You may now go to your class Mister, anyway is this Ms. Mendoza?" Tanong niya sa'kin.

"Yes Miss,"

"Okay, don't worry I can handle it, magiging ayos din siya sige na thank you."

"Sige po, salamat din po."

Lumabas na rin ako sa clinic kahit ayoko ko pa talaga at gusto ko sana malaman din anong nangyari kay Jasmine pero kailangan ko pumasok at sisiguraduhin kung kapag nagising na siya ay nando'n ako, magagalit siya kasi hindi ako pumasok kaya naman dali dali ako sa paglalakad papunta sa first class ko pupuntahan ko siya kapag lunch break namin tama gano'n na nga lang, magiging okay rin siya kasi matapang siya hindi ko na kailangan pa na mag alala.

"I know that everything will be okay and she will be okay." Sabi ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa first class ko ay umupo na ako hindi ko muna inisip ang nangyari kay Jasmine kapag kasi may iniisip tayo nawawala tayo sa concentration. Iyong feeling na habang nasa klase kayo ay may iniisip ka na hindi related sa school or basta hindi about sa pinag aaralan niyo hindi mo talaga ma-ge-gets yung topic kaya nga heto ako iniiwasan muna isipin yung nangyari kay Jasmine, magkikita rin naman kami kaya sa ngayon kailangan ko mag aral para sa future ko at sa taong mahal ko.

Huwag kayo mag alala malalaman niyo rin sino yun pero sa ngayon hindi muna ako aamin at baka hindi pa ako sigurado.

"Kapag sigurado na ako, aamin na 'ko habang hindi pa huli ang lahat." Bulong ko bago tinuon ang atensyon sa pakikinig.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now