Chapter Thirty-Six

633 40 34
                                    

           

Megara Cruz

WHEN IT WAS proven that I was a rare case of late bloomers, my birth registration in Olympus City was changed. Dahil nilabag ko ang tadhana noon, ang sabi ng ibang opisyal ng Counsel of Power, dapat akong tanggalan ng kapangyarihan at linya sa mga palad ng mga kamay bilang parusa.

Pero kumastigo ang Papa ko, sinabing hindi ko naman talaga dapat nalaman ang ilang aspeto ng kapalaran ko. Binago ni Europa Jones ang aking tadhaha matapos niyang sabihin ang totoo. Napatunayan na isa akong inosente, at isang Jinxed kaya kahit nilabag ko ang tadhana para pigilan ang mangyayari kay Trisha, pinatawad ako ng Counsel of Power.

At wag mo akong simulan kung ano ang nagyari dito sa lupa. Hay... Matapos kumawala ang aking inner powers, nawindang ang buong Manileño sa nangyaring tsunami na naudlot. Nakuhaan nila ng video. Kumalat na naman sa internet. Para magkaroon ng damage control sa local at international affairs, pinalabas ng PAG-ASA na isang water hurricane ang naganap sa Manila Bay, courtesy of climate change and global warming. Napwersa tuloy ang Malacañang na sumagot sa international community at ikonsidera ang environmental conventions. 

Dagdag pa ang epidemya ng severe dry hands. Nagbabalat ang kamay ng lahat—tao at Olympians. Naalarma sina Papa at Kuya Earl dahil sa pagtuklap ng mga lumang balat, lumitaw ang mga bagong linya sa kanilang mga palad na hindi pa nila nakikita noon. Indeed, it was a miracle. Nagbago ang tadhana at sa unang pagkakataon, walang alam si Papa kung paano nabago ang tadhana ng lahat.

Ngayong isa na akong salamankera, binigyan nila ako ng oportunidad na matuto ng palm reading. Para makita ko daw ang future. Haha! Magalang na tinanggihan ko ang alok nila.

At para naman sa Higher Bossing ni Boss Troll. Hmmm... Dahil may access sa tubig ang private property, dito pala ang delivery hotspot ng mga kontrabandong items sa black market. Sa lumang building na iyon ang opisina ng limang empleyado ng sindikato. Sabihin na lang natin na naghagilap kami nila Calvin sa opisina bago umalis. Dumiretso ang financial journal at hard drive sa opisina ng DOJ, Supreme Court, at NBI. Lumantad ang mga red tape. At sa totoo lang, nagkakagulo na sila ngayon. Ipit na ipit ang bossing ni Troll at wala nang oras para pumusta sa basketball.

Buhay si Jonathan Abueva. Humihina na ang boses ko pag kausap siya. Kasi kung hindi mawawala ang pag-asa ko kay Calvin, ganoon din ako sa best friend niya. Tutulungan namin siyang maging mabuti—kung ano man ibig sabihin nito.

Gumana ang ambrosia. Pinaliwanag ko kay Calvin, Jonathan at Shania kung saang lupalop ako galing at kung ano ang kayang gawin ng ambrosia. Nabigla ang mag-asawa sa una—masasanay din sila. Nangako ang mga lalaki na hindi pepwersahin ang katawan at hindi aabusuhin ang ambrosia. Ever. Shania and I made sure these men would live to their promise! Ikakasa ko ang bunganga kapag binali nila ang pangako.

Natalo ang Kelogy Boozeters sa Game Five ng PBA Finals matapos umalis ni Calvin at Jonathan. At wala na silang naging talo pagkatapos nito dahil wala nang hadlang para kay Trazo at Abueva na ibuhos ang effort nila sa laban.

And as for me... Ayos na ang lahat ng kaso ko sa Olympus City. Pinatawad ko na ang dapat patawarin. Tinanggap na ulit nila ako, bukas palad. Niyaya pa nila akong tumira ulit sa ulap kung gusto ko.

Ayoko nga. May gapos na ang mga paa ko dito sa lupa. Masyadong mabigat ang laman ng tiyan ko kaya malabong lumutang ako para bumalik sa ulap. Figuratively. Ehem.

I was three weeks pregnant when I discovered about my pregnancy. Kaya pala ang sungit ko na naman kay Calvin sa mga panahon na 'yon. Jusko! Wag naman. Sana kamukha ko ang anak namin para maganda ang kutis. At kinurot ko siya matapos niyang sabihin na baka maging bansot ang aming baby kung makuha niya ang genes ko. Kahit ano pa siya, mahal na mahal namin siya ng kaniyang ama.

Jinxed Series: Lost LinesWhere stories live. Discover now