Chapter Thirty-Three

274 23 0
                                    

Megara Cruz

MAMAYANG GABI NA ang Game 5 ng PBA Finals.

Simula nang mag-talo kami kagabi, hindi pa umuuwi si Calvin. Gumising ako ngayong umaga na walang katabi sa kama. Ever since he became my boyfriend, he stopped spending nights in his room. Bubulabugin niya ang kwarto ko gabi-gabi gamit ang kaniyang yakap, halik. Minsan, ang lakas pa niya humilik kapag pagod siya galing training. Di ko ata kaya 'pag di ko na ito rinig.

Ang hirap hindi umiyak buong gabi, pati na din ngayon sa shower.

Sa kagustuhan ko na umiwas sa tadhana kong maging submissive, ako pa pala ang naging dominante sa aming relasyon. Mas malakas ang boses ko at halos hindi na siya makapagsalita paminsan dahil binabara ko siya.

Saan ako magsisimula? Sa dami ng salamangka na nakita ko sa ulap, walang time travel. Babalik sana ako sa araw na 'yon. Lalapitan ko ang lalaking may suot na blue varsity jacket, bitbit ang sunflowers, tumitingin sa paligid, hinahanap ang babaeng magiging asawa niya. Ibabalik ko ang oras para bawiin ang mga taon na nasayang.

I hated myself so much that I didn't deserve the hot water coming out of the shower. Dapat maligo ako sa ice cold water. Bagay ako tumira sa kalsada. Ayokong gamitin ang bagong kotse na binili niya. Bagay ako sa LRT, MRT, jeep at tricycle. Dapat magsuot ako ng basahan at hindi designer clothes. Hindi ako karapat-dapat.

Kung may aalis, ako dapat 'yon. Hahayaan ko si Calvin na magpalamig ng ulo dito sa penthouse. Ako ang dapat umalis.

May kasabihan ang mga tao na bawal matulog ang mag-asawa hangga't hindi solve ang problema. Hala! Baka magkaroon sila ng insomnia.

Tapos na akong mag-empake. Nilagay ko sa isang maleta ang mga lumang damit na natira sa akin.

Matapos magshower, nagsuot ako ng simpleng damit at hinayaan ang buhok ko. Naglagay ako ng Cherry ChapStick sa nagbabalat kong labi.

Kinuha ko ang maleta at lumabas ng kwarto. Kinuha ko ang cellphone para tignan kung sinagot na ba niya ang tawag at messages ko. Nada. Inis na inis akong makita ang lock screen wallpaper.

"Saan ka pupunta?"

Lumiwanag ang buong mundo matapos kong marinig ang kaniyang boses.

"Calvin? Ayos ka lang ba? Saan ka nagpalipas ng gabi?"

Sambakol ang mukha niya. Amoy alak at sigarilyo. Suot pa rin niya ang suot kagabi. Magulo ang kaniyang buhok, gusot ang damit. Sa tono pa lang pananalita, mukhang hindi pa rin humuhupa ang galit niya.

"Listen, I know you're mad. Pero wag naman 'yung hindi ka uuwi. Bahay mo 'to. Alam ko na ang maling ginawa ko. Ang mga bagay na hindi ko pinag-isipan. Nasaktan kita. I'm sorry for everything. And I don't deserve to stay here. This is your safe space. So you should be here. Ako ang aalis para bigyan ka ng spasyo."

Sinuklian niya ako ng sarkastikong ngisi. "Gusto mo ba talagang umalis?" tanong niya.

Ang hirap sumagot.

"Edi, umalis ka!" sigaw niya, "Mahirap na. Baka sabihin mo, dinidiktahan kita. Gawin mo ang gusto mo." Nilampasan niya ako at dumiretso siya sa sarili niyang kwarto. Binalibag pa ang pinto.

Nilunok ko ang kirot sa lalamunan ko.

Mula sa aking bulsa, kinuha ko ang key card ng penthouse. Lumakad ako sa front door. Hinalikan ko ang key card, bumakat ang lip balm, kunyari ito ang kaniyang labi, saka ko ito iniwan sa lamesa. Lumabas na ako ng unit. May namatay sa akin matapos kong isara ang pinto.

Hanggang sa lumabas ako ng building. Tumigil ako sa lugar kung saan ako tumayo nang makita ako ni Calvin na basang-basa sa ulan. Tinignan ko ang eksaktong lugar kung saan siya tumayo nang makita niya ako. May boses na nagsasabi sa akin na hindi ko na siya makikita kahit kailan.

Mapapatawad ba niya ako? Kung hindi... Sana maging masaya siya. Kahit ano pa ang ibig sabihin nito.

Lumakad na ako palayo, hatak-hatak ang maleta sa aking likod.

Abala ang mga tao sa sidewalk. Dumadaan ang mga kotse, motor, at truck sa kalsada. Huminto ako sa bus stop. Tumabi sa akin ang ilan pang commuters. Pulos lalaki. Abala sa kanilang smart phones.

Saan ako pupunta ngayon?

Bahala na.

Tumigil ang blue SUV na Isuzu Sportivo sa harap ko. Sumenyas ng hazard. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang matabang lalaki. Maitim. Tinitigan ako.

"Siya nga si Megara. Kunin niyo na 'yan," utos ng lalaki sa commuters na nasa likod ko, "Dali." Kinuha niya ang cellphone matapos nitong mag-ring. Sinagot niya ang tawag at nilapat sa tainga ang cellphone.

Inagaw ng isang lalaki ang maleta ko. Sisinghap sana ako pero tinakpan ng panyo ang aking ilong at bibig. Saka ako suminghap.

"Opo. Boss," sabi ng lalaking bumaba sa SUV, "Nakuha na namin ang girlfriend ni Trazo. Pupunta na kami sa mga Abueva."

Nalanghap ko ang matamis at nakakahilong amoy sa panyo. Masyadong matapang. Ilang hinga pa, kusang sumara ang mga mata ko. Dama ko ang mgra braso na sumalo sa akin bago ako tuluyang nawalan ng ulirat. 

Jinxed Series: Lost LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon