Chapter Thirty-Four

286 27 2
                                    

Calvin Trazo

"PICK UP THE phone, Meggy. Please, pick up."

Gusto ko sana marinig ang boses niya. Kahit isang salita, kahit buntong-hininga, kahit konti lang mula sa kaniya. Binging-bingi na ako. Kailangan ko siya para patahimikin ang ingay.

Ayaw niyang sagutin.

Lumakas ang ugong sa loob ng Mall of Asia Arena. Umulan ng palakpak at sigaw ang audience para sa performance ng cheerleaders. Tapos na sila. Magsisimula na ang second half ng game.

Bumukas ang locker room at lumabas ang teammates ko pati na din sina Coach Peter.

"Trazo! Halika ka na. Nasaan si Abueva?" tanong ni Coach.

Tulad ng ibang games, frantic palagi si Coach Peter. Lalo na kapag hindi niya kami makita ni Jonathan sa paligid. Binigyan kami ng strategy at pep talk habang halftime break. Nang matapos, saka ko lang kinuha ang phone para tumawag.

"He's just around the corner. Probably calling his wife," sagot ko.

"Well, break is over. You know my rule about cellphones. Iwan sa locker," iyon lang at umalis na siya kasama ang ibang players.

I gnashed my teeth so hard as I let the noise stir my sanity. Humigpit ang hawak ko sa phone. Bumilis ang tibok nang puso ko at umagos ang pawis pababa. Dama ko na ang pagod ng katawan ko. Kahit isang minuto lang na marinig ko ang kaniyang tawa, sermon, biro, galit, at kwento kakayanin ko pa ang bumalik sa court.

Pero ayaw niyang sagutin ang tawag. Tinawagan ko siya ulit.

Wala akong pake kung sino ang tama o mali sa aming dalawa. Malay ko kung paano aayusin ang problema. Ewan ko kung anong dapat sabihin. Wala akong solusyon sa hinaharap naming bagyo. Kahit pa ilang beses masunog ang bahay namin, kahit pa ilang away ang dumating... Tatawagan ko pa din siya dahil malalampasan namin 'to. Ang turo sa akin ng tatay ko: kapag may nasira, inaayos ito at minamahal—hindi tinatapon. Ayokong sumuko. Aayusin ko kami.

Bumabalik sa akin ang kirot sa kaniyang mukha matapos ko siyang tanungin kung gusto niya umalis. Paulit-ulit sa isip ko habang tumatakbo ako sa court, habang pinapasa ang bola, habang tumatalon para itira ang bola sa hoops, habang binabantayan ang kalaban, habang hinihingal, habang nadadapa, habang bumabagsak, at habang bumabangon.

Hinayaan ko siyang lumakad palayo bitbit ang maleta niya. May bakas ng kaniyang lip balm sa key card. Hinalikan niya ito bago iwan. Ang bigat dalhin ng realisasyon na 'yon. Hinayaan kong kumawala ang babaeng mahal ko dahil nilamon ako ng galit. Nawala ako sa dilim, dahilan para mawaglit sa isip ko na hawak niya ang puso ko dahil mahal niya ako.

Sumagot siya at narinig ko ang boses niya sa kabilang linya.

"Meggy?!"

Tapos narinig ko ang beep ng dial tone. Guni-guni ko lang pala. Ayaw niyang sagutin.

Pumikit ako at hinagod ang buhok kong basa ng pawis. Nagpalakad-lakad ako sa hallway. Ang sapatos ko, lumikha ng tunog sa rubberized flooring. Kagat-labi akong nag-antay na sagutin niya ang tawag.

"Ayaw kitang umalis. Lalabas ako ng kwarto ko para kunin ang maleta mo. Ayoko ng spasyo na inaalok mo kasi ayokong maiwang mag-isa para mag-isip. Sa mukha ko dapat ang halik na binigay mo sa key card. Hindi na ako magagalit, wag mo lang ako iiwan. Aayusin natin 'to. Please, bumalik ka. Meggy..."

"The number you have dialled is busy at the moment. Please, try again later. The number you have dialled is busy at the moment. Please, try again later."

Jinxed Series: Lost LinesWhere stories live. Discover now