Chapter Thirty-Five

311 29 5
                                    

Megara Cruz

"DON'T YOU FUCKING LOSE, Calvin! I can fend for myself! You know I can! Don't you fucking lose!!!"

Humitit ang Troll sa kaniyang sigarilyo. Tinatawag ko siyang Troll kasi malay ko ba kung anong pangalan niya. Alam kong puno ng pagnanasa ang kaniyang mga mata nang hagurin niya ako mula ulo hanggang paa. Nanatili ang kaniyang tingin sa cleavage na pinapakita ng aking damit matapos niyang ibaba ang dalawang buttones ng polo ko kanina.

Anim na alalay ang nasa paligid. May dalawang babae.

Bumuga siya ng usok, cellphone sa kaniyang tainga, lumakad siya palapit sa akin. Inipit niya ang sigarilyo sa kaniyang daliri, bago ako sinampal nang malakas sa pisngi. "Tumahimik ka, Puta!"

Sumigaw ako sa mukha niya. "Fuck you!!! Putang-ama mo! Papatayin kitang manyakis ka!"

Kanina pa nakatayo sa tabi ko ang alalay ni Troll. Kinasa niya ang baril at inuntog sa akin, pinapaalala na may baril na nakatutok sa ulo ko.

Binugahan ako ni Troll ng usok sa mukha bago kinausap si Calvin sa sarili kong cellphone. "Delayed ng 13 minutes ang coverage ng ESPN sa laban niyo. Kaya mo bang iligtas ang shota mo sa loob ng minutong 'yon kapag pinasok mo ang tira? Mag-isip kang mabuti." Iyon lang at pinutol na ang linya. Nilayo na niya ang cellphone sa tainga at pinindot ang end call button. Binato niya ang cellphone sa isa pa niyang alalay na siya namang sinalo.

"Megara," naluluhang sabi ni Shania, buhat niya si André habang nakatali ang kaniyang paa sa upuan, "Tama na. Wag mo na silang sigawan, please. Takot na takot na ako."

Basa ng ihi ang beige jazz pants ni Shania. Umiiyak si André dahil sa ingay at gutom. Ewan ko kung kaya niyang magbreast feed sa sitwasyon namin.

Dahil wala akong hawak na bata, nakatali sa likod ang mga kamay ko. Ang aking mga paa, tinali nila sa haligi ng upuan.

Bukas ang flat screen TV sa harap ko. Nasa ESPN. Pinapakita ang laban sa Game 5 PBA Finals.

Dinala nila kami sa isang opisina. Kita ang malawak na karagatan sa labas ng bintana pati na din ang lumulutang na basura na may iba't-ibang kulay. Pumapasok sa bintana ang matamis na amoy na nagmumula sa usok ng pabrika. Pero nang tumigil ang operation kaninang lunch break, pumapasok ang hangin at naamoy ko ang alat, lansa, at baho ng basura galing dagat. Lumagaslas ang alon. Nakita ko ang araw bago ito lumubog.

My wild guess: dinala kami sa isang private property ng isang corporate factory na malapit sa Manila Bay. Ang matamis na usok ng pabrika, sunset, ingay ng mga kotse sa kalsada, at mga lumulutang na basura ang nagkumpirma ng hinala ko.

Kinupkop kami sa isang kwarto na nasa second floor. Malawak ang buong silid. Hiwa-hiwalay sa glass walls ang executive offices; parang maze ang partition ng mga cubicle. White carpeted floors, office window blinds, steel cabinets, low ceiling... Nilagay nila kami sa lumang building na hindi na ginagamit. Pagala-gala ang mga daga at ipis sa sahig. Dagdag pa ang spiderwebs sa kisame. Maalikabok. Delikado para sa maselang kondisyon ng bagong silang na sanggol.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Tanaw ang private port kung saan nakaparada ang mga yate. Sa lawak ng private property, nagmukhang langgam ang mga empleyado sa labas ng bintana namin. May sliding gate na naghihiwalay sa pabrika at kung nasaan kami. Bantay sarado ng mga armadong lalaki na nagsusuot ng white security guard uniforms. Sa ibaba, umaalis na ang mga emplayado palabas ng pabrika. Pati na din ang mga empleyado sa bagong tayo na building.

Binabantayan ko ang forklift truck magmula nang bumalik ang malay ko. May bitbit silang kahon ng mga biskwit na siyang nilalagay sa loob ng delivery trucks. Pumatak ang dilim, umandar ang delivery trucks palayo sa abot ng tingin ko.

Jinxed Series: Lost LinesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora