Chapter Seventeen

270 33 4
                                    

Megara Cruz

SINARADO KO ANG kalan at sinamsam ang daing na bangus sa mainit na mantika gamit ang tongs. Saka ko sila nilatag sa kitchen paper para i-drain ang mantika. Nilapag ko ang daing ng bangus at scrabbled organic eggs sa dinning table.

Natutusok ng baby hairs ko ang aking mga mata. Hinipan ko sila palayo ng mukha ko.

Bumalik ako sa kusina para kunin ang tinapay sa bread toaster at pati ang serving ng kanin. Calvin loved his breakfast with daing na bangus, scrabbled organic eggs and garlic fried rice. Kaso pihikan siya sa scrabbled egg. Ayaw niya ng dry. Gusto niya half-cook lang. Fluffly. Dapat niluto sa butter at milk. Walang halong sibuyas o kahit anong add-ons.

Nilapag ko ang mga dala sa dinning table saka ko nilagay ang mga placemat, plato, baso, folded napkin, pati cutleries.

Umuusok na ang kape namin ni Calvin. He wanted his coffee mixed with chocolate powder, fresh milk, and 3 sugar cubes.

"MEGARA!"

Nagulat ako. Kunut-noong pinanood ko si Calvin na lumabas ng kaniyang kwarto.

Hinagilap niya ang penthouse niya hanggang sa maanigan niya ang kalat sa kusina, at ang bulto ko sa dinning area. Saka lang naging panatag ang disposisyon niya nang magtama ang aming mga mata.

Huminga siya nang maluwag at lumakad papunta sa akin. Walang kahirap-hirap ang yabag niya.

Napangiti ako sa gulilat niyang mukha.

"It's crazy!" simula niya, umikot siya sa harap ko at nagtatalon, "My body is all healed! Look!"

Pinanood ko lang siya.

"Tignan mo ang mata ko," binuka niya ang kaliwang mata, "Wala na ang blood cloth! Pati din ang mga kalmot sa braso ko... Even my back pain is gone. Pati ang strain sa hintuturo ko, nawala. I'm a mutant from X-Men!! Like Deadpool!"

Natawa ako. "Well, what do you know? Baka gumana ang mga gamot. Nakuha sa cold compress."

"May ginawa ka ba sa akin habang natutulog ako?"

"Ha?" maang-maangan, "Ano namang gagawin ko sa 'yo? I'm a normal human being."

"Hmmm..." sabi niya sabay kibit ng balikat, "Yeah, probably the meds. Mali ang diagnosed ng mga doktor."

Bakit ko sasabihin sa kaniya ang tungkol sa ambrosia? Aabusuhin ni Calvin ang katawan niya kapag nalaman niya.

"But don't press it, okay? Magpahinga ka muna. Halika na. Nagluto ako ng almusal."

Calvin swung his injured leg, trying to feel any pain that he would never feel again. Saka siya umupo sa harap ko, at sabay kaming kumain.

"Ikaw ba nagluto lahat ng 'to?" tanong niya, kinuha niya ang mug ng kape at ininom. Napangiwi si Calvin. "Eck!"

"Is there something wrong?"

"Ang tamis," sabi niya, "Di ako naglalagay ng asukal at cream sa kape. Gusto ko black at may halong cinnamon."

Tumaas ang kilay ko.

"But it's okay. It's still coffee," tinignan niya ang isda, "What's that?"

"Hindi mo alam?" kumunot ang noo ko, "Paborito mo 'yan. Daing na bangus."

"Really?" aniya, "Umiiwas ako sa bangus kasi marami siyang tinik. Nasundot ngala-ngala ko. Di na ako umulit." He bit his lower lip. Worried na baka masaktan ang feelings ko.

"Daing na bangus nga 'yan. Tinanggalan na 'yan ng tinik."

Kinuha niya ang kutsara at tinidor at sinipat-sipat ang isda. Tinikman niya ito at nawala ang kunut sa noo niya. Tumango-tango si Calvin at nilagay ang isda sa plato niya. Naglagay din siya ng kanin.

"Mahilig ka pala sa plain na itlog?" tanong niya, "Masarap ang scrabbled eggs kapag mayroong mozzarella cheese at sibuyas."

Binagsak ko ang kubyertos sa plato at ininom ang kape ko. Wala na akong ginawang tama. Bigla ko naalala na ibang tao na nga pala si Calvin, malayo sa kwento ni Papa at Kuya Earl.

Ngumiti si Calvin. "Pero masarap!" sabi niya kahit hindi pa naman natitikman ang itlog, "Kitams?" Sumubo siya ng dalawang kutsara ng scrabbled organic eggs.

Basically, Calvin and I were back to square one. The colors had changed, but we're still the same brush strokes. Gusto kong tuklasin ang bawat kulay niya. Sana magustuhan din niya ang mga kulay ko.

"Tama 'yan," tinaas ko ang kilay, "Kainin mo lahat. Pasalamat ka na may nagluto ng almusal mo. Ang ayoko sa lahat, maarte sa pagkain."

"Ito na nga, o! Paubos na," nilamon niya ang mga luto ko.

Kinubli ko ang ngiti.

Matapos kumain tinignan ako ni Calvin. "Kailangan kong bumalik sa ospital para ulitin ang check-up. Di na malubha ang kalagayan ko. Pwede ako maglaro sa susunod na game."

"Sabihin mo sa surgeon mo at kay Dr. Rafaella, di mo na kailangan magpa-opera sa tuhod."

"I'll do just that," sabi niya. Tumayo siya at hinatak ako, "Pero halika muna, may ibibigay ako sa 'yo."

"Ha?"

Sumunod ako sa kaniya sa loob ng kaniyang kwarto. Pumasok kami sa walk-in closet ni Calvin at tumigil sa isang aparador. Binuksan niya ito at nakita ko ang safety vault. In-enter ni Calvin ang passcode at binuksan ito.

"Nang mamatay ang paternal grandmother ko, pinasa niya sa akin ang mga alahas niya. Sabi kasi ni Tita Harriet, ang asawa ko, mahilig sa perlas. Because she didn't grew up beside the ocean. Kaya nang mamatay si Lola Gureng, kay Megara Cruz niya pinamana ang mga alahas niyang perlas. Care of Calvin Trazo, of course."

Ngumiti si Calvin sa akin, lumitaw ang kaniyang ngipin, at nanlambot ang mga tuhod ko.

Sa loob naka-display ang mga naglalakihang perlas. Patung-patong ang mga kahita. All pearls were perfectly round, shiny luster, and had rose overtones.

Kinuha ni Calvin ang isang maliit na kahita. Binuksan niya ito. Jaw dropping ang pearl earings na kuminang sa LED lights ng closet.

"It's time you claim what's yours," sabi ni Calvin.

"I can't wear them, Calvin," hinaplos ko ang mga tainga, "I mean..."

"Ugh! Not that again! Pag-aawayan pa ba natin 'to? Hayaan mo akong ambunan ka ng kung anu-ano. Hindi naman kita binibigla."

"Calvin..."

"Karapatan ko 'yon kasi pamilya mo ako. Mumultuhin ka ni Lola Gureng kapag tinanggihan—"

"Calvin, I can't wear them! Look at my ears," pinakita ko, "Wala akong butas sa mga tainga."

"What?!" Sinarado niya ang kahita at hinaplos ang tainga ko. Calvin was astounded to see that my ears were not pierced.

"From where I came from, hindi uso ang alahas," kwento ko, "We don't believe in social status, gender roles, racism, et cetera. We celebrate our differences and simplicity. Wala akong butas sa mga tainga kasi di naman kailangan."

"Walong taon ka na dito sa lupa," sabi niya, "Kaya pala natiis mong tumira sa squatter's area."

"Don't say that," umiling ako, "People from Marytown are not perfect. But they are the warmest and funniest people I've ever met."

Kinuha ko sa kaniya ang kahita ng hikaw. Binuksan ko at kumindat sa akin ang mga perlas.

"Talaga bang kilala ako ni Lola Gureng, Calvin? Iniwan ba talaga niya 'to para sa akin? Sa mga shopping mall display lang ako nakakita ng totoong perlas. Siyempre. Wala naman ako pambili. At kahit pa mayroon, malabo na bilhin ko."

"Iniwan niya ang mga 'yan para sa 'yo. She knew you'd be perfect for my family," he held my hand firmly, "These pearls will be glamorous in my wife."

Pinipigilan ko. Kaso kumawala ang mga traydor kong labi, umarko pataas.

"Gusto mo ba silang suotin, Megara?"

Suotin ang hikaw bilang asawa mo balang araw?

"Oo," walang alinlangan, "Gusto ko sila suotin."

Jinxed Series: Lost LinesWhere stories live. Discover now