Chapter Four

342 36 8
                                    

Megara Cruz

BINALIBAG KO ANG pinto pasara. Maipit sana ang mga tsismoso at tsismosa. Kinandado ko pa. Pero rinig na rinig ko pa din ang komosyon sa labas. Unang-una si Tita Bernis.

"Ano kayang ginagawa nila?" bulong niya sa katabi, "Kaya pala nangongolekta si Megara ng mga litrato ni Calvin. Magkakilala sila! Isang tingin ko pa lang sa dalaga na 'yan, alam kong anak mayaman talaga na nagtatago dito."

"Siyempre! Nagtapos 'yan sa Miriam College. Ka-elbo ang mga elitistang babae doon. Sabi ko naman sa 'yo, si Megara ang anak sa labas ng isang senador. Hindi ka naniwala," sabi ng isang nosy na labandera.

"Hoy, Tita Bernis! Ang pritong tilapia niyo, tustado na! Bubugbugin na naman kayo ng asawa niyo!" sigaw ko matapos maamoy ang usok na pumapasok sa bahay ko. "Ikaw din, Aling Belen! Ang sinaing niyo, sunog na! Hala! Umuwi na kayo!"

"Kuya Calvin!" sigaw ng mga binatilyong mahilig sa basketball, "Idol!! Pa-autograph naman!! Idol na idol kita!"

"Papa Calv!! Pa-kiss naman ako!" sigaw ng mga beki sa labas, kinalampag ang pinto. Kahit di ko sila nakikita, alam kong may suot silang pekpek shorts at bright sando. Tagos ang putok ng kili-kili nila sa singit ng pintuan. Langhap sarap.

Nagtagis ang bagang ko. Gigil na lumingon ako kay Calvin.

Mababa ang kisame. Eksaktong seven feet. Sa oras na mag-jumping jack si Calvin sa loob, hindi lang siya mabubukulan sa bumbunan. Babagsak ang buong bahay ko. Kamukha niya si Wreck it Ralph.

Naabutan ko ang blangkong ekspresyon sa mukha ni Calvin. Dinampot niya ang kandila sa side table, sinuri-suri ito. Tumingala siya at nakita ang poster ng kalendaryo.

Si Calvin ang modelo sa poster. Suot niya ang blue and gold jersey attire, may hawak siyang bola, at maangas ang tingin niya sa camera, naka-angat pa ang sulok ng labi. Ganito ang itsura niya sa tuwing may ka-one on one siya sa court.

Napangiwi ako. Nakita ni Calvin ang black pentle pen sa side table.

Sa tuwing naiinis ako sa hirap ng buhay dito sa lupa, sinisisi ko si Calvin. Kinukuha ko ang black marker, at lalapit sa kalendaryo. Kagat-labi akong guguhit. Nilagyan ko si Calvin ng sungay, freckles, wrinkles, acne, bulok na ngipin, eye bags, at bigote ni Adolf Hitler.

Kinabahan ako sa katahimikan niya. Wala man lang violent reaction. Sinusuri niya ang bahay ko. Sa liit, hindi advisable maglakad. Ginigila na lang niya ang ulo sa iba't-ibang direksiyon.

Hanggang sa nakita niya ang dart board ko.

Nanikip ang dibdib ko. Pinagpawisan ako nang super lapot.

Jusko. Baka tumalon si Calvin sa galit at sirain ang buong bahay ko.

Ginupit ko ang mukha ni Calvin sa packaging ng Milo chocolate powder energy drink. Saka ko dinikit sa bull's eye ng dart board. Nakatuhog ang dart pins sa dalawang mata at butas ng mga ilong niya. Hindi na makilala ang mukha.

Huminga siya nang malalim. Saka siya yumuko at tinignan ang kandila na kanina pa niya sinisira gamit ang kuko. Mannerism niya iyon. Kapag kinakabahan siya, gusto ni Calvin may kukutkutin siya.

"Alam mo ba kung paano kita nahanap?" tanong niya, "I hired a private investigator, and I told them everything I know from the stories I heard about you. It took them seven months. Isa ka sa mga close match. Hindi pa rin sila sigurado kung ikaw ba ang pinapahanap ko. So I asked them one thing. They answered. And I knew it was you."

Rinig ko ang boses niya sa kabila ng ingay sa labas ng bahay.

"You were born in the sky, on a floating archipelago, hidden among the clouds, following the trail of sun. It never gets dark in the Olympus City. Kaya alam ko," tinitigan niya ako, "Takot ka sa dilim. Sinundan ka ng mga private investigator. Nakita ka nilang bumili ng mga kandila. Kasi mahal ang kuryente pero kailangan mo ng liwanag sa gabi."

Hindi ako umiwas ng tingin. "It can never be me, Calvin. It can't be me. You cannot marry me. I refuse to be yours. Kalimutan mo na ang mga kwento ni Harriet tungkol sa akin. Hindi lang ako ang babae sa mundo. Madaming sasagot ng oo para pakasalan ka. Pero hindi ako kabilang sa kanila."

Umiling siya, huminga nang malalim at binaba ang kandila.

"Lydia, Lilian, April, Dee Dee, Nicole, Mindy, Laura, Joana, Tammie, and Mercedes," sabi ni Calvin.

Kilala ko ang mga babaeng 'yon. Sila ang napapabalitang mga nobya ni Calvin for the past eight years. In order.

"Wala sa mga babae na 'yon ang pumalit sa pwesto mo sa araw mismo ng kasal natin," sumbat niya, "I was a heartless person who fucked and slept with them, and they all left me because I was numb. I couldn't give them what I could only give to you. For fuck's sake! Sinubukan kitang kalimutan. Sinubukan kong matulog sa gabi na patay ang lahat ng ilaw. Di ako makatulog sa dilim kasi iniisip kita. Binubuksan ko ang lahat ng ilaw sa bahay. Gusto kong kalimutan ang lahat ng mga bagay na alam ko tungkol sa 'yo. Minsan, iniisip ko, may nangyari bang masama sa 'yo kaya hindi ka sumipot? Aksidente?!"

Yumuko ako at pinikit ang mga mata. Mahirap tignan ang talim sa mga mata niya.

"Iyon pala, parehas natin nalalanghap ang usok sa Katipunan. Nakikita mo 'ko sa commercials. Nadadaanan mo ako. Pero ikaw, hindi kita makita! Ang sakit isipin na mas gusto mong tumira at sumiksik dito kaysa hayaan ako na alagaan ka," galit at mahinahon na sabi niya, "Sinaktan mo 'ko, Megara."

"Calvin, please," giit ko.

"No! You shut up and listen to me!" sigaw niya, "Sinira mo ang tadhana ko."

Totoo 'yon. Ang recognition at MVP awards na nakukuha ni Jonathan Abueva ngayon ay dahil sa akin. Kasi hindi ako sumipot eight years ago. Palaging third place ang pwesto ng kanilang team sa PBA dahil nagmimintis ang shoot ni Jonathan. Apparently, it wouldn't have been like that if Calvin became the team captain.

"Kung dahil lang 'to sa career mo sa basketball, kalimutan mo na," asik ko sa kaniya, "you cannot blame that on me. Stop feeling so entitled! Destiny doesn't owe you anything! Kung may gusto ka, dapat mong paghirapan 'yon!"

Tumawa siya ng sarkastiko. "I'm not talking about my career. I am talking about my life with you! Walong taon! Pinagbigyan kita. Kaya ako naman ang pagbibigyan mo. Ako ang masusunod."

Umisod siya palapit at hinaplos ang pisngi ko.

"You are my bedtime stories," he said, "The last person in my mind before I close my eyes and drift off to sleep."

Ang hirap gumalaw dahil sa sinabi niya.

"Makinig ka, Calvin! Hindi na ako ang babaeng kinekwento ni Harriet sa 'yo noong bata ka pa. Nagbago na ako."

"You only change so little like a painting. The colors have changed. But the brush strokes are still the same. Still the same woman I have been waiting to share my life with. There's no other place to go but you."

Umiwas ako ng tingin dahil malapit nang lumabo ang mga mata ko. Ramdam ko na ang mga luha.

"You stand where my compass is pointing towards," sabi niya, "Where you are, I will go."

Jinxed Series: Lost LinesWhere stories live. Discover now