Chapter Sixteen

271 30 3
                                    

Megara Cruz

"DAHAN-DAHAN. WAG kang magmamadali," bilin ko sa kaniya at inakay siya pahiga sa kaniyang kama. Sinandal ni Calvin ang ulo sa unan at tinignan ako habang binabalot ko siya ng comforter.

Ngumiti ako at umupo sa tabi niya. Gumapang ang mga daliri niya, hinanap ang kamay ko, at humawak. Mainit na ngayon ang mga kamay niya, di tulad kanina sa sofa.

"Meggy..." he said, looking so terrible. Halatang iniisip niya ang ginawa kanina sa sala. Ang dami din niyang nabasag na decorative ceramic eggs.

Umiling ako. "I know, Calvin," bulong ko, "Don't worry about it. Matulog ka na."

Binuksan ko ang lamp sa side table. Ngumiti ako, gagayak na ng pag-alis, pero humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Aalis lang ako sandali."

"Tsk!" reklamo ni Calvin, sabay nguso sa malawak na kama.

Tumaas ang kilay ko. "Wala ka pang first base, gusto mo tabi na agad tayo sa kama?"

"Tsk!" pinisil niya ang kamay ko.

"I have to call my dad so he can help us," paliwanag ko.

"Tsk!"

"Anong 'tsk!'? Kailangan kong tawagan si Papa. Babalik din ako."

"Tsk! Mamaya na 'yan," angal niya, saka ngumuso sa maluwag na space sa kama.

Nirolyo ko ang mga mata at bumitaw sandali sa kaniya. Umikot ako, inangat ang comforter, at sumampa sa tabi niya.

I supposed I could call my dad from Calvin's bed.

Tinignan ni Calvin ang distansiya ko sa kaniya. Kasya pa ang isang tao sa gitna namin.

"Tsk!" angal niya.

"What do you want me to do, human?!"

Walang sabi-sabi na dumukwang siya, hinatak ako, at sinalampak ang ulo ko sa dibdib niya.

"Calvin!"

"Sandali lang, please?" bulong niya, "Hanggang sa makatulog ako."

I could feel him sniffing my hair, and planting a silent kiss on my forehead. He imprisoned me in his tight bear hug. Sa ilalim ng comforter, lalong uminit dahil sa mataas na temperature ng kaniyang katawan.

Phew! Pinagpawisan ako. Sadyang mahina lang talaga ang air conditioner, bulok na.

Rinig ko ang steady, malalim, at maluwag na pag-hinga niya sa ilong. Sumasabay ang ulo ko sa taas-baba ng kaniyang dibdib. Pinapadinig niya sa akin ang kabog ng puso niya. Mabagal pa ang takbo nito, walang sinabi sa kabog ng akin.

Ginalaw ko ang tuhod at sumagi ako sa brace ng injury ni Calvin. Narinig ko siyang suminghap sa sakit.

"I'm sorry," sambit ko. Nakita kong nakapikit ang isa niyang mata. Awkward tignan ang bandage na nasa left eye niya.

Inangat ko ang comforter at tinignan ang mga braso ni Calvin. Nagtagis ang bagang ko matapos makita ang mga kalmot at gasgas na nakuha niya sa basketball court.

Kinuha ko ang kamay niya, hinalikan ito at nilapat sa aking pisngi. Humilig ako sa dibdib niya at pumikit.

Papa? Papa? My Calvin is in pain. Those humans injured my husband. Please... Please, we need you.

Paulit-ulit ang tawag sa aking isip. Kahit pa mamaya pa sisikat ang araw, wala ang Olympus City sa Pilipinas, alam kong naririnig ako ng tatay ko. Tinawag ko siya nang tinawag hanggang sa narinig ko si Calvin na humilik, hanggang sa tumahimik ang utak ako at hatakin ng antok.

Jinxed Series: Lost LinesWhere stories live. Discover now