Chapter Three

372 37 5
                                    

Megara Cruz

PUTANG-AMA! PAANO niya ako natunton dito sa gasolinahan?! Paano niya nalaman na ako 'to? Shit.

Si Kuya Earl ba ang nagturo sa kaniya kung saan ako mahahanap? Putik. Papatayin ko siya pag napatunayan kong siya ang nagturo kay Calvin kung nasaan ako.

Tinitignan ko siya from head to toe, hindi pala photoshoped ang mga kuha sa commercials at posters ni Calvin. Six feet, four inches height. Authentic ang muscles niya, sing tigas ng puso kong bato. Lumalabas ang mga ugat sa braso at kamay niya matapos buhatin at palitan ang gulong ng kotse kong bulok.

Susmiyo ang itsura niya. Hindi pala biro ang tindig ni Calvin. Kung ano ang nakita ko sa guestings niya sa TV talk shows, noontime shows, at iba pang TV appearances ganoon din siya sa personal. Aatras ang mga ex-boyfriend kong mala-tooth pick.

Tumingin ako sa kalsada. Gusto kong tanggalin ang aking heels, saka tumakbo! Iiwan ko na ang bulok kong kotse at kakaripas na. Kaso sa katawan pa lang ni Calvin, parang wala ata siyang hindi kayang habulin.

Puno ng lungkot at panunumbat ang kaniyang mukha at boses.

Kung may halimaw sa ilalim ng kama ko, ang pangalan niya ay Calvin.

Ang aking halimaw ay kamukha ng tatay niyang sundalo. Dark brown na mga mata, malalim at mabait—tago sa mga makapal na kilay. Sabi ni Kuya Earl, pinanganak siyang maputi pero naging moreno dahil sa sports career at summer vacations sa Palawan.

Ayoko sa mga lalaking macho. Mahilig ako sa mga payatot. Kaya hirap akong tanggapin na ganito ang itsura ng halimaw ko. Payatot pero kayang magbuhat ng limang sako ng bigas—sabay-sabay. He was no marshmallow. In his arms, he could crush me with just a hug.

"So tell me," sabi niya, "Bakit hindi ka sumipot sa tagpuan eight years ago?"

"I'm sorry. Do we know each other?" tinitigan ko siya sa mga mata, "You must have mistaken me for someone."

Umisod siya palapit. Sa takot ko, hinawakan niya ako sa mga balikat—sobrang higpit.

It had been eight years. Hindi lang dapat si Jonahan at Shania ang ikakasal. It was destined to be a double wedding. Right now, Calvin was looking at his runaway bride.

"Kitang-kita sa mga mata mo, Meggy."

Iyon ang itatawag sa 'kin ni Calvin sa kama tuwing gabi at natatakot ako sa dilim. Ipapalibot niya ang mga braso, hahapitin ako palapit, malalanghap niya ang amoy ko dahilan para manggigil siya. Iinit ang katawan niya. Maninigas. Saka ako papaulanin ng mga banayad na halik hanggang sa bumigay ako at tumugon...

Meggy. Tumayo ang mga balahibo ko.

Sinubukan kong alisin ang mga kamay niya. Kaso ayaw talagang magpatinag.

"Tama na. Wag mong gawin 'to. Alam kong kilala mo ako. You ruined my life, and the least you can do is say you know me. Please, Meggy."

Bumagsak ang mga balikat ko.

Umugong ang bulungan ng mga tao sa paligid. Tinutukan nila ang binata ng cellphone cameras.

Dapat ko siyang itulak palayo. I had to deny my monster and leave! Otherwise, everything would be for nothing.

Pero sa kaniyang mga mata nakita ko kung gaano siya nasaktan. Oo. Maayos siya tignan. Camera worthy. But if you knew Calvin like I did, you would have seen the light from his face was gone. I took it away when I denied us the chance to be happy together.

Kaya wala ako nagawa. Sumusuko, bigla akong tumango. Nagkusa ang mga palad ko, hinaplos ko siya sa pisngi at ginila ang tingin sa kaniyang mukha. Kabisado ko ang bawat nunal, bawat linya, bawat anggulo.

Jinxed Series: Lost LinesWhere stories live. Discover now