Chapter Five

365 42 5
                                    

Megara Cruz


"INGAT LANG PO sa mga babasagin. Pakilagay po silang lahat sa sala. Maraming salamat po," utos ko sa mga delivery boy. Binaba nila ang mga sofa na bulok mula sa truck at ipinasok sa loob ng bago kong house and lot.

Binuhat ni Kuya Earl ang kahon na punung-puno ng mga children's book. Ngumiwi siya nang makita ang sofa. Habang binubuhat ito, tumalon ang angkanan ng mga daga, bitbit ang mga bubwit! Pumasok silang lahat sa bahay.

If I was still the same Olympian girl from years ago, those rats would got me screaming at the top of my lungs.

Malaki ang bahay na nabili ko sa bangko. Pero nabili ko ito sa murang presyo dahil 60s pa itinayo ang bahay. Kahoy ang mga pader at haligi. Luma na ang front at back door. Butas-butas ang mosaic seashells na nasa pinto. Kinakain na ng anay ang sliding wooden windows. It was a typical suburban Filipino old house.

Matagal nang abandonado ang bahay na 'to. Apparently, palaging may bibili tapos ilang buwan lang, ibebenta na ulit sa bangko. Matataas ang mga damo sa bakuran, tuyo na ang mga halaman at puno. Nagkalat ang dried leaves sa garahe. Hindi na ako magtataka kung may ahas sa mga damo. At least, kakain nila ang daga na dala ko galing pang Marytown.

"God, look at Megara's house!" bulalas ng kapatid ko, "Kapag lumabas ang Big Bad Wolf at hinipan ang bahay, mawawalan ng tirahan ang mga daga ni Megara."

"Stop talking to God about my brand new house! I love it! Isa siya sa mga foreclosure property sa bangko. Ang dami kayang gustong bumili niyan. Mahirap maghanap ng bahay dito sa Quezon City."

Nasa Teacher's Village ang property. Sa Masipag Street.

"The only brand new in this house is the new garbage who's moving in," pinalo ko sa braso si Kuya Earl, "Ouch!"

"Shut up! Be nice!"

"Tignan mo nga, oh! Sumisilip na ang mga kaluluwa sa bintana," sabi ni Kuya, minamataan ang mga multo sa bintana ng second floor, "Tinitignan ka nila. Sa itsura pa lang nila mukhang mahihirapan akong paalisin sila sa bahay mo."

"Hahayaan mo bang apihin ng mga multo ang bunso mong kapatid?? Itulak-tulak na parang normal na tao?" lumabi ako, "Kuya, paalisin mo ang mga multo."

"E, bakit? Kasalanan mo 'to!" asik ni Kuya, "You wouldn't have to endure this old rotten house, infested with bitter ghosts and dangerous pests if you listened to your family. Nahimatay si Mama noon matapos niyang malaman na tumira ka sa squatter's area."

Dumating na naman po ang sumbatan session namin ni Kuya Earl. Sa tuwing hihingi ako ng tulong sa kaniya, sa tuwing naghihirap ako dito sa lupa, palagi niyang ipapaalala ang pagsuway sa tadhana na ginawa ko sa amin ni Calvin. Siyempre, hindi ako magpapatalo. Palagi akong may bala sa aking baril.

"Why will I listen to my family?! Alam mo dito sa lupa, ang mga pamilya, hindi nagsisinungaling sa isa't-isa! Oo, normal na tao ako. Naniniwala ako na ang pamilya, hindi naglolokohan at nagtatago ng sikreto!"

"I never liked Europa Jones!" sikmat ni Kuya, "She's a rotting manipulative witch for telling you about it!"

"Si Europa lang ang kaibigan ko sa Olympus! Lahat kayo, fake! Siya lang ang may malasakit na sabihin sa akin nang buo ang tungkol sa tadhana ko. What?! You think you can fool me just because I'm a human being?! Pwede niyo na akong lokohin por que hindi ako salamangkero at hindi ako marunong ng palm reading?! Europa is the only real friend I have."

"Nasaan si Europa ngayon?! Ni minsan dito sa lupa hindi ka niya dinalaw at tinulungan. Some friend you have," sabi niya, "Lagot ka kay Trisha. Hindi ka niya patatawarin pag nalaman niya ang ginawa mo."

Jinxed Series: Lost LinesKde žijí příběhy. Začni objevovat