ANG HULING TULA

82 2 1
                                    

O Birheng Mariang tigib-kagandahan,
Isa bang paalam ang huli kong tula?
Dito'y natatapos ang pananambitan
At ang panalangin ng abang makata.
Sa iyo'y inalay ang akda kong ito
Upang mabantayan ako sa pagsulat.
Ang tulad ko'y musmos na palaging lito
Kung di iiwiin ng inang malingap.
Sa aking buhay na may saya at lungkot,
Tanging gunita ko'y ang yakap mo't piling.
Laging isusulat sa puso ni Hesus
Mga alaala ng ating paggiliw.
Dito ma'y magwakas ang tula ko't awit,
Aking itutuloy doon nga sa langit.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now