INA NG HAPIS

116 0 0
                                    

Ang hirap ng buhay ay gaya ng unos
Na may humahampas na hanging malakas
At may kasama pang ulang bumubuhos
Na dulot ay bahang sa lupa'y dadanak.
Tayo ma'y mabatbat ng pighati't pait,
Ang Inang Maria ay sumasaklolo.
Siya'y dumadamay sa nangagtitiis,
Sa dinadaluhong ng masamang bagyo.
Ang Mahal na Birhen ay Ina ng Hapis
Na siya ngang saksi sa dusa ni Kristo.
Paghihirap nati'y kaniya ring sakit,
Mga balaraw sa puso niyang pino.
Ang buhay ma'y minsang sama ng panahon,
Ang Banal na Ina'y dagling mag-aampon.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now