MARIA, AKING INA

1.5K 5 1
                                    

Sa buhay kong laging may dusa’t hilahil,
Kandili mo’y pawang ligaya sa akin.
Ikaw, O Mariang lubhang masintahin,
Ang siyang nagdulot ng lamyos at lambing.

Ang luha ko’y iyo ngang dinadampian
Upang patuyui’t tuluyang maparam.
Ang uhaw kong puso ay pinupunuan,
Ipinapagsalok sa Tubig ng Buhay.

Itong kaluluwang mula sa daluhong
Sa iyo, Ina ko’y ipinaaampon.
Idinadasal kong iabot ang tulong –
Tinapay na Siyang papawi sa gutom.

O Inang Maria, ako’y iyong iyo;
Ang panalangin mo’y pag-asang totoo.
Ihatid mo ako patungo kay Kristo,
Habang ako’y tunay na yakap-yakap mo.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon