DAKILANG AWA

128 2 1
                                    

Anong uring lakas ang makahihigit
Sa kasalanan kong pawang kaimbihan?
Sino pa kaya ang sa aki’y iibig
Kahit sa loob ko’y pawang kapangitan?
Sa pagkawala ko sa landas na tama,
Di ko alintanang ako’y hahanapin,
Yayakaping muli't ipag-aandukha
Ng Poong Diyos na lubhang mahabagin.
Ang dakilang awa nitong Panginoon
Ay higit sa sala ko't pagkalugami.
Una Niya akong inibig pa noon;
Hanggang ngayo’t bukas, Siya’y kakandili.
Mahabaging tunay itong aking Diyos,
Awa Niya ay ang kakalag sa gapos.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now