DALIT SA PAA NG KRUS

967 8 6
                                    

Akin kitang nasilayan
Sa krus mo ay nabayubay;
Tiningala kitang tunay
Upang aking mapagmasdan.

Sugat mo ay mahahapdi,
Luha'y hindi napapawi,
Ang tinik na nakalagi
Sa ulo mo ay pighati.

Kamay mo ay nakapako,
Sa dugo ay naliligo;
Maging paa ay nagupo,
Ang hininga mo ay hapo.

Tiniis mo yaong dusta,
Ang pasakit at pagkutya;
Tinanggap mo itong kusa:
Iligtas mo yaring madla.

Sala ko ba ang dahilan
Niyang iyong kamatayan?
Dakila ang pagmamahal
Nitong Poong Kristong hirang!

Tunay ko ngang napagtanto -
Pagmamahal na pangako
Walang-hanggang nasa puso
Ng Diyos na nakapako.

Hesukristo, purihin ka,
Ihango mo ang maysala!
Ang dakila mong pagsinta
Sa iyong krus ay nadama.

Wala na ngang ninanais
Ang munti kong puso't isip
At ang wagas mong pag-ibig
Ay sapat na pati't higit.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon