ANG MAHAL NA PUSO

215 3 0
                                    

Aling pagmamahal ang dakilang tunay
Kung di sa pag-ibig nitong Kristong banal?
Siya ay may pusong nabalong ang buhay
Kahit pa sa tinik, ito'y koronahan.

Ang puso ni Kristo'y may dalang liwanag
At may taglay itong apoy na maalab;
Ito ay larawan ng pagsintang tapat
Na di nagmamaliw araw ma'y lumipas.

Sa sugat ng puso Niyang maibigin,
Bumukal ang awang lubhang nagniningning.
Sa tana'y ito ang Kaniyang naisin -
Lumapit sa habag Niya at paggiliw.

O Mahal na Pusong may banal na awa,
Lagi Mong ampunin kaming mga aba
Nang hindi malayo sa Iyong adhika
At sa pag-ibig mong aming ninanasa.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now