ANG TUNAY NA SAYA AT GANDA

366 2 1
                                    

Sa paghahangad ng tao ng liyaga,
Ano ba ang tunay na makapupuno?
Gandang di kukupas, saan makikita
Dito sa daigdig na mapanibugho?
Ang totoong saya’y pilit hinahanap
Sa panandalia’t makitid na aliw.
Nais kong makamtan ang rikit na ganap
Nguni’t natagpua’y malungkuting dilim.
Ang Diyos ang siyang unang nagmamahal;
Sa kaniya’y ganap ang tanang pag-ibig.
Namalas ko yaong tunay na kariktan,
Ang lubos na aliw sa piling ng Langit.
Sa wakas, ang galak at gandang hinangad
Sa pagmamahal ng Poon nabanaag.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon