MAPAGPALAYANG HABAG

87 0 0
                                    

Aking minumuni yaong katangian
Ng habag ng Poong banal at butihin.
Ang Kaniyang awa ba’y may kahulugan
Sa tulad kong taong hinango sa dilim?
Ang habag ni Kristo ay mapagpalaya
At ang dulot nito’y malalim na galak,
Ako’y inaalis sa maling adhika,
Sa makasariling pita’y kinakalag.
Nang maranasan ko ang Kaniyang awa,
Unti-unti akong napapaging-ganap;
Pagmalasakitan yaring aking kapwa
Ang siyang layon kong dagliang tinanggap.
Paglaya ay handog ng habag ng Diyos,
Sa pawang mabuti’y magbubukas-loob.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now