NASAAN KA, ESPIRITUNG BANAL?

111 0 0
                                    

Saan nga ba Kita makikitang tunay,
Espiritung Banal, O Diwang dakila?
Ikaw’y nasa rikit ng tanang kinapal,
Gandang walang kupas sa langit at lupa.
Masisilayan Ka sa Bayan ng Diyos
Na taos sa loob ang pananalangin.
Ikaw ay naroon sa Hapag ni Hesus,
Nasa Tinapay na aking kinakain.
Matatagpuan Ka sa dukha at api,
Sa abang ang tanging pag-asa’y ang Poon.
Sa pamilyang tapat at mapagkandili,
Sa Salitang Banal, Ikaw ay naroon.
Espiritung mahal, aking napagtanto:
Ikaw’y nananahan sa akin ngang puso.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now