PAG-IBIG

160 0 0
                                    

Ano ang diwa ng tunay na pag-ibig?
Kahulugan nito’y aking binubulay.
Tulad ng umagang masaya’t marikit
Ang buhay ng isang taong nagmamahal.
Dahil sa pag-irog na totoo’t wagas,
Ang puso ng tao’y puno ng pag-asa,
Kayang batahin ang dusang dinadanas,
Handang mag-alay ng sarili sa iba.
Ang pagmamahal din ay ang maging lingkod,
Sa ligaw na kawa’y siyang pumapastol
Upang maibalik sa buhay na lubos
Kapiling ng sinta’t mahabaging Poon.
Ang umibig ay ang pagiging kawangis
Ng Bathalang unang gumiliw nang higit.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now