INA NG PAGLALAKBAY

344 5 8
                                    

Ang buhay ay paglalakbay
Sa daigdig na makulay;
Di ba, Ina, ikaw'y gabay
Na sa aki'y naagapay?

Sa init man ng panahon,
Dampi mo ay tumutulong
Na punasan nang maghapon
Ang pawis kong bumabalong.

Maging kahit sa taglamig,
Ang bigay mo'y pawang init;
Iyang yakap mong mahigpit
Ay balabal nga ng Langit.

Sa maalon pa mang dagat
O sa ilog na makupad,
Ikaw, Ina'y tumatahak,
Lulan akong iyong anak.

O Ina ko't luwalhati,
Kandili mo'y naghahari,
Di mo hangad na magapi
Akong pawang dalamhati.

Salamat sa pag-ibig mo,
O Maria! Ay! Irog ko,
At sa akin mang pagyao
Ipanhik mo na kay Kristo.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now