MAHAL NA PUSONG DALISAY

172 0 0
                                    

Saan patutungo itong paghahanap
Sa pagsintang ganap at pusong dalisay?
Minamasdan Kita, O Hesus kong tapat,
Habang minumuni ang tanong kong laan.
Sa mahal Mong puso, ako'y napatingin
At napagbulayan ang dakilang awa.
Ang koronang tinik, sugat na malalim,
Yaong dugo't tubig ay aking nakita.
Sa kabila nitong Iyong dusa't sakit,
Nag-aalab pa rin ang apoy sa puso,
Batbat ng silahis ng Iyong pag-ibig
Sa makasalana't mapagpanibugho.
Sa banal Mong puso, Kristong Panginoon,
Ako'y mamahalin bukas man at ngayon.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now