HIGIT NA LIGAYA

128 0 0
                                    

Anong ligaya pa sa lupa at langit
Ang siyang papantay sa ramdam kong saya?
Ikaw ang nagdulot ng tuwang marikit
Sa puso kong ito, ikaw, O Maria.
Ipinamalas mo sa akin ang Poon,
Si Kristong Anak mo at Hari ng Habag.
Ikaw ang naghatid ng Tagapaghilom
Sa sugat kong dulot ng salang mabigat.
Salamat sa iyo, Birheng mataimtim!
Ako’y nagagalak sa iyong pagdamay.
Ikaw nga ang daang madaling tahakin
Patungo sa Diyos na banal at hirang.
Walang hihigit pa sa taglay kong lugod
Dahil sa kalinga mo, Mariang bantog.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now