ANG NAIS NG PUSO

112 0 0
                                    

Ano ba ang asam nitong abang puso?
Hesus, hayaan Mong masambit ang pintig.
Di ko ninanais ang maluhong anyo,
Di ko rin gusto ang yaman ng daigdig.
Mapasaakin man ang tanang kariktan,
Ang kadakilaang nakapaghahari,
Maging ang ligayang panandalian lang,
Ang lahat ng ito'y di ko pinipili.
Wala akong gusto kundi Ikaw, Poon;
Loob ko ang laging Ikaw'y makapiling.
Ang Iyong kandili, sa aki'y ituon,
Dito ay wala na akong hihilingin.
Ito lamang, Hesus, ang tangi kong hangad -
Ako'y ibigin mo magpahanggang wakas.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now