ALAALA NG KAHAPON

99 0 0
                                    

Nanaisin ko bang ako ay magbalik
Sa aking kahapong niluma sa diwa
Nang muli’t muli pa ay aking iguhit
Ang buhay kong nahan sa aking gunita?
Natatandaan ko pa ang unang araw
Nang mukha ni Hesus ay aking namalas;
Musmos pa nga ako nguni’t isang ligaw,
Siya ang nagtuwid ng liko kong landas.
Ngayo’y natanto ko ang pawang dahilan –
Nakaraan pala’y isang pagliligtas
Na mula’t mula pa’y batid ng Maykapal,
Makatagpo ako’y ang Kaniyang hangad.
Tumanaw man ako sa lumisang noon,
Kung wala si Kristo’y wala ring kahapon.

Mga Tula sa Ilalim ng LangitWhere stories live. Discover now